Bianca Umali on Miguel Tanfelix: “Halos lahat po ng traits ng dream guy na gusto ko, meron si Miguel.”

Bianca Umali on Miguel Tanfelix: “Halos lahat po ng traits ng dream guy na gusto ko, meron si Miguel... God-fearing, mabait, marespeto, corny... marami po talaga. Kasi si Miguel, alam po niya kung paano ako patawanin.”


Bukas ng gabi, May 1, ang huling episode ng primetime series ng GMA Network na Once Upon A Kiss.

Ito ang ikalawang primetime series na pinagbidahan ng sikat na loveteam nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix; ang una ay ang Niño noong 2014.

Sa pocket presscon para sa finale episode ng Once Upon A Kiss, na ginanap noong April 28 sa 17th floor ng GMA Network Center, sinabi ni Bianca na naging napakasaya ng paggawa nila ng kanilang teleserye.

Saad ng 15-year-old actress, “Sobrang saya po at saka halos lahat po ng katrabaho namin, kilala po namin, kaya madali pong magtrabaho sa set.

“Actually, wala rin naman pong difference from our past shows.

“Lahat naman po kasi ng dumarating sa aking project, nae-enjoy ko naman pong lahat, especially with the cast po.”

Mami-miss daw ni Bianca ang kanilang primetime series.

“Yung show po kasi namin, maraming good traits na itinuturo.

“Bawat episode, marami kang matututunan.

“Marami po talaga akong natutunan, at isa na rito yung good vibes lang lagi at kapit lang kahit na sobrang hirap po.”


DREAM GUY. Hindi itinatanggi ni Bianca na malapit sila sa isa’t isa ni Miguel.

“Yes po. Siguro po dahil ‘yan sa araw-araw naming magkasama.

“Parang araw-araw, mas lalo pa pong lumalalim ang samahan namin ni Miguel.”

Ano ang nakikita niyang mga dahilan kung bakit naging close at sweet sa isa’t isa?

Ayon kay Bianca, “Hindi ko rin po alam kung… siguro po kasi halos lahat ng gawin namin, magkasama kami.

“At yun din po, kilalang-kilala na rin po namin ang isa’t isa talaga.”

Ano ang mga bagong nadiskubre niya kay Miguel?

Saad ng teen actress, “Marami po, e… mabait, corny, makulit.

“Halos lahat po ng traits ng dream guy na gusto ko, meron si Miguel.”

Ano ba ang mga katangian ng dream guy na gusto niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung ano po ang nakikita niyo kay Miguel.

“Marami po, e… hindi ko po kayang isa-isahin.

“Pero yun nga po, God-fearing, mabait, marespeto, corny... marami po talaga.

“Kasi si Miguel, alam po niya kung paano ako patawanin.”

JUST FRIENDS. Sa kabila ng pagiging close nila, itinanggi ni Bianca na may relasyon na sila ni Miguel, 16.

“Hindi po kami. Hindi po ako nag-e-entertain,” sabi niya.

Nilinaw rin ni Bianca na ang pagiging sweet at pagbibigay ng regalo sa kanya ni Miguel ay dahil magkaibigan lang sila, at wala nang iba pang dahilan.

Malinaw sa kanila na magkaibigan lang muna sila?

“Malinaw po yun sa aming dalawa,” sagot ni Bianca.

Napag-usapan nila?

“Hindi po namin napag-usapan.

“Pero we both know po na ayaw naman po naming sirain ang trust ng family at network namin sa aming dalawa bilang loveteam.

“Siguro saka na lang po kami papasok sa isang relationship kapag alam naming puwede na.”

Kailan yung puwede na?

“Sabi po ng family ko, 'pag 35 daw po ako!” natawa niyang sabi.

Pero dagdag din ni Bianca, “Hindi ko rin po alam. I don’t know, kung kailan ready na.”

Papasa ba si Miguel kung sakaling manligaw ito sa kanya at kapag handa na siya?

“Papasa po,” nakangiting sagot ni Bianca.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN