Kiko Pangilinan’s wedding anniversary message to Sharon Cuneta: “I will love you until the last gasp of breath in me is gone...”

Secretary Kiko Pangilinan reveals secret to lasting marriage to wife Sharon Cuneta. "She goes her way and I go her way."


Idinaan ni former Senator Francis “Kiko” Pangilinan sa social media ang kanyang pagbati sa asawang si Sharon Cuneta para sa kanilang 19th wedding anniversary.

Ikinasal sina Sharon at Kiko noong April 28, 1996.

“Happy 19th wedding anniversary to my girlfriend of 21 years!” simula ng dating senador sa kanyang Facebook page.

Dagdag pa niya, “From the bottom of my heart I say again that I will love you until the last gasp of breath in me is gone, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, from each sun to each moon, from tomorrow to tomorrow until death do us part. Period. No more comma. The end of the paragraph. Amen. #KikoSharon19

Naka-attach din sa nasabing message ang wedding photo nila ni Sharon.

Happy 19th wedding anniversary to my girlfriend of 21 years! From the bottom of my heart I say again that I will love...

Posted by Kiko Pangilinan on Monday, April 27, 2015

Sa kanya namang Twitter account, nag-tweet si Kiko noong April 28 tungkol sa sikreto kung bakit nagtagal ang relasyon nila ni Sharon.

Aniya: “Having a very simple arrangement that has withstood the test of time. She goes her way and I go her way.”

Nakuha ring magbiro ng senador tungkol sa pagtingin sa kanya ni Sharon.

Noong April 27, ibinahagi ni Sharon sa kanyang Facebook account na lumabas sila ni Kiko ng bansa para sa kanilang 19th wedding anniversary, pero hindi siya nagbigay ng detalye kung saan sila pumunta.

Ngunit kalaunan, napag-alamang sa Bangkok, Thailand nagtungo ang mag-asawa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN