Vicki Belo, Hayden Kho, and Katrina Halili bury the hatchet in a private meeting

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, ipinost ni Dra. Vicki Belo ang pagkikita nila nina Katrina Halili, kasama ang boyfriend ng cosmetic surgeon na si Hayden Kho, kung saan sila nagkausap at nagkapatawaran.


Napatawad na raw ng celebrity cosmetic surgeon na si Dra. Vicki Belo ang aktres na si Katrina Halili.

Ngunit inamin ni Dra. Belo na hindi ito naging madali para sa kanya.

Walong taon na ang nakalilipas, naging malaking kontrobersiya ang pagkalat ng sex video ni Katrina at ng boyfriend ni Dra. Belo na si Hayden Kho Jr.

Isa sa celebrity endorsers noon ng Belo Medical Group si Katrina.

Umabot pa hanggang sa Senado ang nasabing eskandalo, na naging dahilan ng pagkakabawi ng lisensiya ni Hayden bilang doktor.


VICKI FORGIVES. Sa Instagram account ni Dra. Belo ngayong Huwebes, April 30, ipinost niya ang larawan kasama sina Hayden, Katrina, at ang talent manager na si Lolit Solis.

Base sa post ni Dra. Belo, kinunan ang larawan halos dalawang linggo na ang nakalilipas.

Sa nasabing okasyon daw nangyari ang pag-uusap nina Dra. Belo, Katrina, at Hayden. Dito na rin daw sila nagkapatawaran.

Si Lolit daw ang nagsilbing daan upang mangyari ang pagkikita-kita nilang tatlo.

Sabi ni Dra. Belo sa caption: “This picture was taken 10 days ago.

“I always believe in forgiving but I have to admit that it's not easy.

“But, if God can forgive us for all our sins who are we not to do the same.

“Being bitter and unforgiving enslaves you and not the other person .

“To God be all the glory.”

Ayon naman sa ulat ni Ricky Lo sa kanyang column sa The Philippine Star, naganap ang pagkikita ng tatlo sa isang pribadong restaurant sa Quezon City.

Bago raw ito nangyari, nais umanong makausap ni Katrina si Dra. Belo subalit hindi niya alam kung paano.

Kinausap daw ni Lolit, na malapit na kaibigan ni Dra. Belo, ang manager ni Katrina na si Rommel Gacho.

Nag-set ng appointment si Lolit upang magkita-kita ang tatlo.

Sa nasabing meeting, humingi ng tawad si Katrina kay Dra. Belo; at ipinaliwanag naman ng doktora kung bakit siya nasaktan sa nangyari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkaroon din daw ng pagkakataon upang makapag-usap sina Katrina at Hayden, at humingi rin ng tawad ang huli sa aktres dahil sa nangyari.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN