Donita Rose still feels complete despite marriage problems: "Buo naman ang pagkatao ko kahit walang asawa, e."

Donita Rose: "Naniniwala naman nga ako na kung anuman yung pagsubok na pinagdadaanan mo, parang may purpose ‘yon, e. In other words, kapag may nangyayari sa akin, I always ask God, ‘Lord, ano yung itinuturo Ninyo sa akin? Ano ba ang dapat kong baguhin para hindi masayang yung pinagdaanan ko?’ So, I always ask, ‘Lord, what are you teaching me?’”


Hindi raw isinasara ni Donita Rose ang kanyang pinto sa posibilidad na magkaayos pa sila ng asawa niyang si Eric Villarama.

Sabi ng actress-TV host, “I believe in the power of restoration. Wala namang hindi puwede o hindi kayang gawin ang Diyos.”

May love pa ba siyang nararamdaman for her husband?

“Oo naman… sobra!” bulalas niya.

“But, I can’t talk about my personal problems or what we’re going through right now.

“Kasi, I don’t know what’s going on.

“So, if I don’t know and if I tell you what’s happening, parang uunahan ko yung nangyayari.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Donita nang mag-guest siya sa Sunday All Stars ng GMA Network noong April 26.

STILL COMPLETE. May mga nagsasabing magaling magdala ng problema si Donita dahil hindi halatang may pinagdadaanan siya ngayon. Masigla pa rin siya at palangiti.

Paliwanag niya, “Buo naman ang pagkatao ko kahit walang asawa, e.

“Para sa akin, mali yung saying na ‘you complete me.’

“Kasi if the person completes you, and then nagkaroon ng problema, mahihirapan ka.

“But, naniniwala naman nga ako na kung anuman yung pagsubok na pinagdadaanan mo, parang may purpose ‘yon, e.

“In other words, kapag may nangyayari sa akin, I always ask God, ‘Lord, ano yung itinuturo Ninyo sa akin? Ano ba ang dapat kong baguhin para hindi masayang yung pinagdaanan ko?’

“Kasi, if you look in the Bible, lahat ng mga characters doon na may pinagdadaanan, God was doing something with them, e. May tsini-change Siya.

“So, I always ask, ‘Lord, what are you teaching me?’”

TOO EARLY TO SAY. Kung sakaling hindi na sila magkaayos ng kanyang mister, does she see herself falling in love with another man?

Sagot ni Donita, “That’s too early to say.

“At saka pagdating sa pagmamahal, very careful ako. I always guard my heart.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi yung past ko, na na-in love ako and naging broken-hearted.

“So ngayon, I’m very, very careful about my heart.

“Marami namang ano, e… there’s so many reasons to be happy.”

Isa raw sa rason kung bakit tuloy lang ang buhay para kay Donita ay ang kaisa-isang anak niya kay Eric na si Joshua Paul.

“He’s ten years old at siya ang laging kasama ko. Parang PA [personal assistant] ko nga siya, e!” biro pa ni Donita.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN