Joyce Ching hurt when ex-boyfriend Kristoffer Martin had a girlfriend after their breakup

Joyce Ching on why it will be hard for her to accept Kristoffer Martin again: “Feeling ko kasi, yung trust, kahit anong mangyari, parang mahirap talaga siyang ibalik. Even kahit parang gusto mong pagkatiwalaan yung tao, may mga times talaga na parang… nandun yung doubt.”


Sa trailer ng bagong afternoon series ng GMA Network na Healing Hearts, ang daming kissing scenes ng mga bida at ex-couple na sina Joyce Ching at Kristoffer Martin.

Balik-tambalan sila rito at hindi naman daw sila nailang kahit nauwi sa paghihiwalay ang tatlong taon nilang relasyon.

Natatawang sabi ni Joyce, “Nagulat ako nung nakita ko yung trailer. Ang dami pala naming kissing scenes!

“Magkakahiwalay kasi nung kinunan ‘yon kaya, kumbaga, parang hindi mo na rin namamalayan.”

Magmula nang nag-break sila ni Kristoffer, walang sinumang na-link kay Joyce. Hindi talaga siya nag-entertain ng manliligaw?

Sabi ng Kapuso young actress, “Wala po talaga.

“Siguro ayoko lang po kasing madaliin.

“Ayokong papasok sa isang relationship para lang mapunuan kung anuman yung hurt na napi-feel ko.

“Kumbaga, if ever na papasok ako sa relationship, gusto ko ng serious relationship.

“Hindi yung relationship na para lang masabi na maging okey ka at para lang masabi na may boyfriend ka, ganun.”

Hindi kaya umaasa rin siyang baka magkabalikan pa sila ni Kristoffer?

Saad ni Joyce, “After po kasi ng breakup, parang ang naging focus ko talaga is i-improve yung sarili ko.

“Kasi, parang whole time na nandun ako sa relationship na ‘yon, parang ang ini-improve ko talaga ay yung sarili ko para sa relationship.

“So, after nun, ang ginawa ko, nag-focus ako sa sarili ko, i-improve ang sarili ko sa iba pang aspects ng buhay ko.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Joyce sa presscon ng Healing Hearts noong April 27 sa 17th floor ng GMA Network Center.

IT HURTS. Kung si Joyce ay hindi man lang nag-entertain ng manliligaw pagkatapos nilang mag-break, si Kristoffer naman ay nagkaroon ng non-showbiz girlfriend pagkalipas ng ilang buwan.

Aminado si Joyce na nasaktan siya sa pangyayaring ito.

“Yung totoo? Opo, siyempre po na-hurt ako.

“Kasi, parang after ng sobrang haba ng pinagsamahan namin, malalaman ko na may girlfriend na pala siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Almost three years din ang itinagal ng relationship namin.

“Tapos ilang buwan lang matapos kaming maghiwalay, may bagong girlfriend na siya.

“And… hindi po talaga nawala yung communication namin, e.

“Kaya nung nagkaroon siya ng bagong girlfriend, alam ko din agad.”

Pero ngayon ay break na rin si Kristoffer at ang non-showbiz girlfriend niya.

Dahil dito, hindi maiwasang may mag-isip na baka career move ng aktor na makipaghiwalay dahil balik-tambalan sila ni Joyce.

Reaksiyon dito ni Joyce, “Ay, hindi po! Even before pa po nung soap, wala na.”

Natuwa ba siya na wala na ulit girlfriend si Kristoffer?

“Ang sama ko naman kung matutuwa ako!” tawa ni Joyce.

“Hindi po. Ako po kasi, kaming dalawa po, lagi lang kaming nandiyan para sa isa’t isa.

“So, kung na-hurt siya o kung anuman yung na-feel niya sa breakup niya, nandito lang ako lagi para tumulong, para i-comfort lang.”

THE SIGN. Hindi ba niya inisip na parang sign iyon na baka sila talaga ni Kristoffer ang para sa isa’t isa?

Sabi ni Joyce, “Sa ngayon po, hindi ako masyadong nag-iisip ng mga ganyan… mga lovelife.

“Kasi, mai-stress lang po ako kapag prinoblema ko!”

Kung ligawan siya ulit ni Kristoffer, mahihirapan na ba ang aktor na mapasagot siya? Mag-iisip na ba siya ng maraming beses dahil nasaktan na siya noon?

“Siyempre po, may ganung thinking talaga.

“Na parang… ngayon, kung gusto mo talaga itong relationship na ‘to, if ever na manliligaw siya, e, dapat sure talaga siya.

“Parang serious dapat. As in sobrang serious relationship na kung sakali.”

So, mahihirapan na si Kristoffer this time?

“Tama lang naman po siguro. Tamang-hirap lang!” tawa niya.

Patuloy ni Joyce, “Mahirap, kasi po... lalo na yung trust, kasi may nangyari nga sa aming dalawa in the past.

“Feeling ko kasi, yung trust, kahit anong mangyari, parang mahirap talaga siyang ibalik.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Even kahit parang gusto mong pagkatiwalaan yung tao, may mga times talaga na parang… nandun yung doubt.”

So, posibleng hindi na rin niya tanggapin si Kristoffer kung sakaling manligaw ulit ito sa kanya?

Sagot ni Joyce, “Ako po, hindi ako nagsasalita nang tapos.

“Kasi hindi ko rin talaga alam kung ano ang puwedeng mangyari in the future.”

Alin ang mas posible, i-entertain niya ang panliligaw ulit ni Kristoffer o ibang manliligaw ang bibigyan niya ng chance?

“Tingin ko po, parehas lang. Parehong possible.”

WHAT’S STOPPING HER? Ano ang pumipigil sa kanya para makipagbalikan kay Kristoffer?

Saad ni Joyce, “Yun nga po, parang siguro kasi, ayaw namin na madaliin.

“Kasi nga, nagkaroon na kami ng problems in the past.

“Na parang dati, dahil ang tagal na namin, parang ang feeling o akala namin, ‘A, ito na ‘yon! Wala nang mangyayaring masama. Hindi na tayo maghihiwalay, ganyan.’

“So, ngayon siguro, dahil mas nag-mature na kami, mas iniisip na namin yung sa commitment side at saka yung sa serious side.

“Kasi, kaya ka naman pumapasok sa relationship, hindi dahil gusto mo lang or nagmamadali ka.

“Dapat din, dahil gusto mong mapangasawa yung tao, ganyan.

“So, hindi talaga namin minamadali. Ayaw naming pilitin.

“Kumbaga, yung process na ‘yon, if ever man na magkakabalikan kami, makakatulong din naman ‘yon sa relationship namin.

“And ang tingin ko po ngayon, parang kahit gustong maging serious, sa sobrang dami ng ginagawa at kailangang asikasuhin, ang hirap din na pumasok sa isang serious relationship.

“Kasi siyempre, kapag pumasok ka sa relationship, maraming responsibilities na kasama ‘yon, e.

“Kaya relax lang muna.

“At saka parang hindi rin ito ang time para maghanap ng lovelife.

“Na kung may darating man, siguro parang building relationship lang, pero hindi yung commitment talaga na boyfriend-girlfriend.

“Kasi nga po, nag-aaral pa ako tapos nagtatrabaho.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN