Kristoffer Martin denies breaking up with non-showbiz GF because of his reunion project with Joyce Ching

Kristoffer Martin on possible reconciliation with Joyce Ching: “If ever, second time around na namin. Alam na namin dapat yung do’s and don’ts, e, na kailangan yun na. Kung magkakabalikan kami, wala na yung ayaw namin before.”


Itinanggi ni Kristoffer Martin ang usap-usapang kaya siya nakipag-break sa kanyang non-showbiz girlfriend ay dahil balik-tambalan sila ngayon ng dati niyang kasintahan na si Joyce Ching.

Magkasama sina Kristoffer at Joyce sa bagong afternoon soap ng GMA Network na Healing Hearts.

Sabi ng Kapuso young actor sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Hindi naman siya because of the soap, e. Nataon lang talaga."

Patuloy pa rin daw ang komunikasyon nila ng nakahiwalayang non-showbiz girlfriend.

“Pero sa amin naman is… nag-uusap pa rin naman kami.

“Kumbaga, kung paano yung relationship namin ni Joyce na na-maintain namin yung friendship, ganun pa rin naman.

“Kumbaga, nag-uusap kami dahil magkaklase kami.”

Dagdag pa ni Kristoffer, “I make it a point kasi na sa lahat ng nagkakaroon ako ng something is yung friendship pa rin.

“Kung paano kayo nag-start, iyon ang kini-keep ko. Iyon ang pini-preserve ko.”

Pinabulaanan din ni Kristoffer ang haka-hakang hindi niya kayang i-prioritize ang lovelife dahil sa kanyang acting career.

Sabi niya, “Hindi naman siguro sa ganun.

“Well, kahit papa’no, choice ko pa rin ang career ko, e. Choice ko rin ang studies.

“Pero mostly, career. Kasi ito ang bumubuhay sa akin, e.”

Hindi pa siya talaga puwedeng mag-commit sa isang serious relationship?

Paliwanag ni Kristoffer, “Ako kasi ano, e… naging buhay ko ang relationship, e.

“Kumbaga, once na ma-commit ako, sagad, e.

“At saka ang sa akin kasi ngayon, siyempre natuto na ako from before.

“Natuto akong ibalanse lahat ngayon.”

Ano ba ang naging cause ng breakup nila ng kanyang non-showbiz girlfriend?

“Hindi pa ako ready… hindi pa ako ready,” sagot ng binata.

IS IT A SIGN? Sa hiwalay na panayam ng PEP kay Joyce, inamin nitong nasaktan siya nang magkaroon ng ibang girlfriend si Kristoffer ilang buwan pagkatapos nilang mag-break.

Pero paglilinaw ng young actor, “Hindi naman ilang buwan lang. Halos isang taon bago ako nagkaroon ng bagong girlfriend.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero si Joyce, hindi talaga nag-entertain ng manliligaw mula nang nag-break sila.

Sabi dito ni Kristoffer, “Wala naman kasi sa personality ni Joyce na patalun-talon sa relasyon, ‘di ba?

“Kilala natin si Joyce na God-driven siya. Isa rin ‘yon sa ikinabibilib ko kay Joyce.”

Wala ba siyang nakikitang anumang senyales na baka sila talaga ni Joyce ang para sa isa’t isa?

Nakangiting sabi ni Kristoffer, “Kasi ang hirap ng sign-sign na ‘yan, e.

“Ilang beses na akong nadale ng sign-sign o ng destiny-destiny na ‘yan!

"Kumbaga, I make my own destiny na lang. Ganun na lang ‘yon."

Ano ang pumipigil sa kanya para i-entertain ang thought na posible silang magkabalika ni Joyce?

“Hindi pa rin kami ready. Iyon lang ‘yon,” maikli niyang tugon.

Sinabi rin ni Kristoffer na nasaktan din siya sa breakup nila noon ni Joyce.

“Sa relationship naman namin ni Joyce, pareho kaming nasaktan, e.

“And kumbaga, lalaki ka, siyempre ikaw ang unang gagawa ng step.”

JOYCE’S PARENTS. Okey na ba siya ulit sa mga magulang ni Joyce?

Dati kasi ay napabalitang sumama ang loob ng mga ito sa kanya dahil nasaktan niya si Joyce.

Sabi naman ni Kristoffer, “Hindi ako ang nanakit. Walang sakitan.

"Kasi yung sa amin, mutual ‘yon."

Totoo bang sinabihan siya ng mga magulang ni Joyce na bawal siyang magpunta sa bahay nila?

“Ay, hindi totoo ‘yan!

“Very welcoming yung parents niya. Sobrang very welcoming.

“And ang hindi ko nga makalimutang statement ng daddy niya is, ‘Always welcome ka sa bahay. Kung tao kang haharap, tao ka naming haharapin.’

“Iyon naman ang maganda.”

Madalas ulit silang nagkakasama ngayon ni Joyce dahil sa taping ng pinagbibidahan nilang soap. Hindi malayong ma-develop ulit sila.

Pahayag ni Kristoffer tungkol dito, “Pero siguro, we’re searching for a deeper na panghahawakan para ma-continue yung relationship.

“If ever, second time around na namin. Alam na namin dapat yung do’s and don’ts, e, na kailangan yun na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung magkakabalikan kami, wala na yung ayaw namin before.”

If ever na magkabalikan sila, puwede kaya niyang sabihing si Joyce na talaga ang “the one ”?

“Ayoko nang magsabi ng ganyan! Nakain din ako niyan!” tawa ni Kristoffer.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN