Mickey Ferriols surprised by changes in ex-boyfriend Archie Alemania

Mickey Ferriols on possible reconciliation with Archie Alemania: “Natanggap na namin pareho ni Archie na hanggang dito na lang kami. Tama nang ganito kaming dalawa. We are better off as friends talaga."


Masayang ibinalita ng aktres na si Mickey Ferriols na malaki na ang ipinagbago ng ex-boyfriend at ama ng kanyang anak na si Archie Alemania.

Ayon kay Mickey, nagbalik-loob na sa Panginoon si Archie.

Aktibo na ito sa church at ibang-iba na raw ang actor-TV host sa dating Archie na kilala niya at ng mga kaibigan nila.

Lahad ni Mickey, “I was really surprised when he said to me na malapit na raw siyang ma-baptize.

“I said pa nga, ‘Talaga? Are you serious?’

“Parang natawa pa ako. Because we all know Archie, ‘di ba?

“I know naman that he’s been attending church service sa Victory, but I didn’t realize na he was getting serious na with it.

“Kaya noong ma-realize ko na it’s true, that he’s getting baptized, I was so happy kasi ang tagal ko ring ipinagdasal ‘yan.

“For six years, I’ve been praying that Archie would find the right path.

“Archie needs to grow up and start getting serious with his life. He’s not getting any younger, ‘di ba?”

Dagdag niya, “That’s why I am really shocked with what’s happening with him right now.

“Lahat ng makabalita niyan, they would call me and be shocked as well.

“Kasi nga, they know the old Archie na babaero, mahilig mag-party, at kung anu-ano pa.

“Finally, he realized that he needs to go through this change.

“And it’s so much better and more than what I expected from him.

“His kids will be very, very proud of him.

"And, as the mother of his eldest Brent, I wish him to continue on this path to his new life with the Lord.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mickey sa press launch ng teleseryeng Healing Hearts sa GMA Network Center noong April 27.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GOOD FATHER. Ayon pa kay Mickey, mas naging responsable ring ama si Archie mula nang um-attend ito ng church services.

Hindi rin daw nito nakakalimutang bisitahin at magbigay ng financial support sa kanilang anak.

“In fairness naman to Archie, he’s a good father to Brent.

“Kung noon, medyo rocky talaga ang situation namin, hindi siya consistent sa pagbisita at sa pag-abot ng financial support.

“Pinapabayaan ko na lang. Naiintindihan ko naman ang situation niya noon.

“Aside kasi from Brent, he has two more kids.

“But I know how much he loves Brent and his other kids, kaya he tries his best to do his responsibilities sa kanila.

“Gusto niya na pantay-pantay ang atensiyon na ibinibigay niya.

“Kaya I don’t pressure him that much noon.

“Kasi lalabas pa na nagger ako or masyado akong makulit. Mag-aaway lang kami ulit.

“Kaya nga I am so thankful na sinagot ni Lord ang prayers natin.

“Now, everything is better.

“Even if he’s busy with church and other work, he has time to spare for Brent and his other kids.

“Financially, wala na kaming problema doon.

“He’s the new Archie now and we are all happy for him.”

SECOND CHANCE. Ang maganda raw sa relasyon nila ni Archie ay nanatili silang magkaibigan kahit na dumaan sila sa ilang pagsubok.

Ngayong malaki na ang pinagbago ni Archie, ikunsidera kaya ni Mickey na bigyan ito ng second chance?

Sagot ng aktres, “Natanggap na namin pareho ni Archie na hanggang dito na lang kami.

“Tama nang ganito kaming dalawa. We are better off as friends talaga.

“I know that he’s with someone else.

“And kahit na loveless ulit ako, masaya ako being in my place right now.

“I am not looking for a new love right now. Focused ako sa anak ko.

“Ang maganda kasi sa friendship namin ni Archie ngayon, mas nasasabi namin sa isa’t isa ang mga diperensiya namin. Tapos pinagtatawanan na lang namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung noon ‘yan, mag-aaway na kami niyan.

“But now, we accept every little fault wholeheartedly.

“Sabi nila, you can’t be friends with your ex, pero posible naman pala.”

Thankful naman si Mickey na kasama siya sa cast ng bagong afternoon drama series ng GMA-7 na Healing Hearts, kunsaan gumaganap siyang ina na nawalay sa kanyang anak na si Joyce Ching.

Huling teleserye ni Mickey sa Kapuso network ay ang Kambal Sirena.

“It took a while bago ako nabigyan ulit dito sa GMA-7.

“But I did a few guestings naman sa Maalaala Mo Kaya and Ipaglaban Mo sa ABS-CBN. At nakailang labas din ako sa Magpakailanman.

“Kaya hindi naman ako napahinga as far as acting is concerned.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN