Nadine Lustre and James Reid learn to be more responsible after their hit movies

Nadine Lustre on being close to James Reid: “Nagkukuwento siya, nagkukuwento rin ako sa kanya. Kasi, like, parati kaming magkasama. Sa kanya ako nagkukuwento ng mga issue, problems, mga kuwento-kuwento lang.”


Itinuturing ni Nadine Lustre na “closest guy friend” niya ang ka-loveteam na si James Reid.

Yung closeness ba nila ay umabot na sa puntong nagsasabihan sila ng mga sikreto sa isa't isa?

Ayon kay Nadine, “Nagkukuwento siya, nagkukuwento rin ako sa kanya.

“Kasi, like, parati kaming magkasama.

“Sa kanya ako nagkukuwento ng mga issue, problems, mga kuwento-kuwento lang.”

Masasabi rin ba nila na ang isa’t isa ang pinaka-close sa kani-kanilang damdamin at mga puso?

Si James ang sumagot sa tanong.

Sabi niya, “I mean, she's the closest girl friend that I have…”

Idiniin ni James ang salitang 'girl friend,' na ibig sabihin ay kaibigang babae.

Patuloy ng matinee idol, “Yes, like what she said, she gives me pieces of advice, and she listens to me when I have problems.

“Yeah, we enjoy naman.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Nadine at James sa presscon ng pelikula nilang Para Sa Hopeless Romantic noong April 27.


THIRD MOVIE. Samantala, dahil sa tagumpay ng naunang dalawang pelikula nina Nadine at James—Diary Ng Panget at Talk Back And You're Dead—marami ang nagtatanong kung ano ang naging epekto nito sa kanila bilang mga artista.

Ayon kay Nadine, “Yun nga, yung responsibility.

“Kasi nga, a lot of younger generation are looking up to us, e.

“So, kailangan talaga, maging maingat kami, maging role models kami.

“Siyempre, ayaw din namin na sa amin maano, kung may mangyari.”

Nang tanungin kung ano naging pagbabago sa kanila ng tagumpay ng mga pelikula nila, sinalo ulit ni James si Nadine sa pagsagot.

Sabi ng Viva hunk, “I guess, naging seryoso ako.

“Like, with my career, that's when I bonded, I learned how to act.

“Besides that, yeah, there's responsibility, there's pressure.”

Dagdag naman ni Nadine, “Anyway po, we just try to do well na magpakilig, na magpasaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, marami ang nanonood sa amin, so gusto namin na mas marami pa kaming mapapasaya at mapapakilig, yun po.”

Wala pa namang “sawa factor” sa kanilang dalawa?

Sagot ni Nadine, “No, wala naman, wala pa.”

JULIA & IÑIGO. Kasama rin sa Para Sa Hopeless Romantic ang Kapamilya talents na sina Julia Barretto at Iñigo Pascual.

Kumusta katrabaho ang dalawa?

Sabi ni Nadine, “Ako, there’s one scene na parang ang saya-saya namin.

“Kasi, parang three times lang ‘ata kami nagkasama-sama sa set.

“Pero there's one day na parang na-pack up kami nang maaga, and they have to stay, kasi meron pa silang eksena. Nagkuwentuhan kaming lahat.

“It's nice naman po, masaya."

KISSING SCENE. May kissing daw sina James at Nadine sa pelikula, pero ang kaibahan daw nito ay may pritong tuyo silang kinakain habang lumalapat ang kanilang mga labi.

Si James ay halos ayaw gawin ang eksena dahil hindi pala nito gusto ang tuyo.

Kung may choice nga raw, gusto niya ay lasang chocolate at strawberry ang lips ni Nadine.

Natawang pagsang-ayon naman ni Nadine, “Yeah, kung puwede sana chocolate and strawberries din, o candy.

“Pero siya talaga, ‘di niya ma-appreciate [yung lasa ng tuyo].

“Ako, wala naman, kasi ‘di ko nalasahan yung tuyo!”

Pero ano ang lasa ng lips ni James?

“Nakakaloka naman po yun!” bulalas ni Nadine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN