Dominic Roco still not on speaking terms with dad Bembol Roco

Dominic Roco and his twin brother Felix were 16 years old when their dad Bembol Roco left. “At that age, naging breadwinner na kami sa pamilya, we had to stop going to school… naging priority na namin ang magtrabaho," Dominic relates.


Matindi raw ang rason kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa lubos na mapatawad ng Kapuso actor na si Dominic Roco ang kanyang amang si Bembol Roco.

Inamin ni Dominic na matagal siyang dumaan sa tinatawag na “anger stage” dahil sa nangyari sa kanilang pamilya.

Ngunit ayon kay Dominic, nais na rin niyang matapos ang kanyang galit sa mundo para magkaroon na rin siya ng peace of mind.

“I never really wanted to be this angry,

"I tried to be in a better place, yung makalimutan ko muna na galit ako sa dad ko.

“That’s why when people ask me, sinasabi ko that I have forgiven our dad for what he did to our family.

“I guess, that is one way para mabawasan ang anumang sama ng loob ko.

“But with what happened, it’s impossible for us to be the same again."

Patuloy ni Dominic, “Yes, he tried reaching out to us, pero alam mo yung pakiramdam na parang wala nang mababago sa pagtingin mo sa isang tao?

“Yun ang lagi kong nararamdaman. Nothing has really changed at all between me and my dad.

“To be honest about it, hindi pa rin kami nag-uusap…

"Things will never be the same as before. Things will feel awkward now with him.

"Para na siyang stranger sa amin."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dominic sa press launch ng teleseryeng Healing Hearts, noong April 27, sa GMA Network Center.


HURT. Aware daw si Dominic na marami ang gustong magkaayos na sila ng kanyang ama.

“They always ask me kung kailan kami magkakaayos. I honestly don’t know.

“May mga nagsasabi naman sa akin na I have to move on from it.

“You know, some people may find a way to deal with such a situation, pero ako hindi, e.

“Madali lang sabihin, pero sa totoo ay mahirap gawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“They have to be in my situation para malaman nila kung bakit ganito ang nararamdaman ko,” sabi niya.

Inamin ni Dominic na isa sa naging dahilan kung bakit hindi mawala ang galit nito sa kanyang ama ay dahil sa matinding sakit na ibinigay nito sa kanyang ina.

“My mom was really hurt by what dad did to our family.

“Kung siguro ako lang, kakayanin ko pa.

"But my mom, she was really hurt by it all at doon ako nainis talaga.

“My mom was really a mess at awang-awa kami ng mga kapatid ko sa kanya.

“Kaya siguro doon nanggagaling ang galit ko. Ayokong makitang nasasaktan ang mommy namin.”


ALL FOR MOM. Ikinuwento ni Dominic na bago sila iwan ng kanilang ama, close na close sila rito ng kanyang kakambal na si Felix Roco.

“Dad was my hero.

“Kami ni Felix, maka-daddy kami. We sometimes neglected our mom kasi nga mas close kami kay dad.

“Si Mommy kasi noon was very strict. We couldn’t understand why she was like that sa amin.

“Kaya doon kami kay Dad kasi he was cool and was not so strict with us.

“And then, as we got older and I saw what was really happening sa pamilya namin, doon ko lang nalaman that mom was always covering up for Dad.

“She was doing that kasi ayaw niyang mawala yung pagtingin namin kay Dad.

"So, she did her best to really let us not see what was really happening.”

Ngayon nga raw ay matatawag nang "mama's boy" si Dominic.

“Sobra na akong close kay Mommy ngayon.

“I would give and do anything for her because she was always there for us, it’s time…

“That’s why up to now, kami ni Felix, we are still living with her.

“Ayaw namin siyang iwan and we always want to see her happy.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


EMOTIONAL WRECK. Dahil sa pinagdaanan ni Dominic sa kanyang pamilya, naapektuhan din ang kanyang pakikipagrelasyon sa ibang tao.

“When Dad left us, it affected us emotionally, mentally, and financially.

“Sixteen years old lang kami ni Felix when Dad suddenly left.

"And we had to work because he wasn’t supporting us anymore.

“At that age, naging breadwinner na kami sa pamilya.

"We had to stop going to school… naging priority na namin ang magtrabaho.

“Dahil sa ginawang iyon ni Dad, I felt that I was robbed of my childhood.

“Hindi namin na-enjoy ni Felix ang maging teenager talaga dahil we had to work.

“Yung mga normal activities na ginagawa ng mga teenagers at that age, hindi namin nagawa dahil nagtatrabaho na kami.

“We really had to mature that early because there wasn’t much of a choice.

“A lot of people don’t know na iyon ang naging dahilan talaga kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa dad ko.

“Ang alam lang nila ay umalis si Dad at nagalit ako, but they don’t know how that affected us.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN