Donita Rose on her first drama and first kontrabida role: “Lagi akong kinakabahan at nanginginig."

Donita Rose admits portraying her first kontrabida role is not easy: "It’s my first soap ever! At first time ko ring magpu-portray ng kontrabida role. At nahihirapan ako, pero I like it because it’s very challenging for me."


Balik sa pag-aartista ngayon si Donita Rose. Kasama siya sa cast ng bagong serye ng GMA Network na Let The Love Begin na launching project ng magka-loveteam na sina Gabbi Garcia at Ruru Madrid.

“It’s my first soap ever! At first time ko ring magpu-portray ng kontrabida role. At nahihirapan ako, pero I like it because it’s very challenging for me.

“Yun nga lang… lagi akong kinakabahan at nanginginig.

"Napapagod ako sa kaba!” natawang sabi pa ng aktres.

Kaya nga raw at one time ay humingi siya ng tulong sa dating aktres na si Anne Villegas.

Si Anne na aktres nung late 1970s hanggang sa early '80s ay isa ang acting coach.

“Ang sabi ko sa kanya, kung puwede mag-workshop ako because yung nangyayari sa akin na nauuna ang kaba…

“Feeling ko I can bring more depth in my acting if I know the process, hindi ko alam kasi ang proseso ng acting, e.

“Ang ginagawa ko lang is… kung nangyari sa akin ito, paano ako magri-react?

“But in acting, there are workshops and processes that you go through to be able to have different layers do’n sa character mo.

“So, nakaka-get by pa naman ako,” nangiting sabi ng aktres.

OUT OF CHARACTER. Dahil salbahe ang ginagampanan niyang character, tiyak na magagalit at maiinis sa kanya ang viewers.

“Kapag binabasa ko ang script, sumasakit ang puso ko. Kasi feeling ko… kabaligtaran ko ‘yon.

“Hindi ko sinasabing mabait akong tao. I’m just saying na… because of my faith as somebody who is a Christian.

“Parang kung merong negative, kaagad-agad i-deal mo siya.

“Buong buhay ko, ako yung ma-empathy na tao. Lagi akong nakikisimpatiya sa ibang tao.

“So kapag binabasa ko ang script, nagagalit ako sa character ko na parang napakasama niyang tao.

“Sumisikip ang dibdib ko, then it gets in na… ako pala ang gaganap nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So it’s really really hard for me, but I’m enjoying the process.”

PREPARED. Lahad pa niya, “I love the fact na… para sa akin parang naglalaro ako ng bahay-bahayan.

“And even I’ve been in the business for 25 years… yung acting parang feeling ko baguhan ako ulit.

“Kasi my last movie was 2002. Yung Nine Mornings na kami ni Piolo [Pascual].

“Before that, yung ginagawa kong roles ay comedy o mga light drama lang. But never heavy drama.

“Yung role ko dito sa Let The Love Begin, magiging asawa ko si Gardo [Versoza].

“Stepdaughter ko si Gabbi Garcia, may matinding nangyari kaya magiging evil stepmother ako, talagang I prepared for this role.

“Nag-interview ako mga ibang kontrabida katulad nina Cherie Gil, Princess Punzalan.

“At saka yung isa sa mga close friends ko talaga na si Gladys Reyes.

“Tinanong ko rin si Gabbi kasi lagi siyang iyak nang iyak sa mga eksena.

“Sabi ko… paano mo ginagawa yun na hindi siya napapagod?

“So everybody is giving me a lot of tips, lagi rin naman akong nanonood ng mga movies.

“Kaya nakakakita ako ng iba’t ibang portrayal ng mga kontrabida roles.”

MOST CHALLENGING. Sa mga nakunan nang eksena, ano yung mga nahirapan siya?

“Lahat ng mge eksena ko… salbahe talaga siya.

“Kaya pagpunta ko sa set, talagang I make sure na ready na ako.

“Lalo na si Gina Alajar ang direktor, hindi ka puwedeng mag-buckle-buckle… kasi medyo hirap ako sa Tagalog.

“And hindi ako nahihiyang magsabi sa co-actors ko, ‘Throw lines tayo.'

"Kahit paulit-ulit until we get it right.”

Dagdag pa niya, “Week one pa lang ang na-shoot namin.

"I’m sure sa mga susunod na taping namin ay marami pang mahihirap na scenes akong gagawin.

“Feeling ko, this is my most challenging role. Definitely, by far,” panghuling nasabi ni Donita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN