Gerald Santos to hold show on same day as Daniel Padilla’s concert, is he worried?

Gerald Santos on going head-to-head with Daniel Padilla, “Iba naman po yung market niya so hindi po kami worried.”


"Unang-una, I will be accompanied by a symphony orchestra and pangalawa, medyo maha-highlight dito yung dancing skills ko. Talagang medyo kinakarir ko ngayon ang pagsayaw, e," pagmamalaki ni Gerald Santos nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa mga aabangan sa nalalapit niyang concert na Metamorphosis na gaganapin sa Philippine International Convention Center (PICC).

“So makikita nyo dito yung improvement ko sa pagsayaw, lighter and more movements from me.

“And pangatlo, talagang ang aking musicians this time are young, fresh and mga bagong musicians sa industry. Pero mga genius silang lahat.

“Si Alex Salva, ang aking musical director, batang-bata pero sobrang genius sa music.

“Sobrang excited ako, sobrang fresh yung maririnig nyong lahat, ng ating audience. Talagang mga fresh grads 'yang mga 'yan.

“Repertoire ko this time talagang mga pasabog na mga songs. Actually, parang halos buwis-buhay itong mga song numbers ko.

"Kasi, vocally, talagang iso-showcase din namin kung ano yung kakayanan o capability ng vocal skills ko.

“Yung mga manonood, parang lagi silang nasa edge ng kanilang mga seats so abangan nila.

“Musical extravaganza talaga yung masasaksihan nila.”

Sa June 13, 8 p.m., gaganapin ang concert ni Gerald.

SEXY, MATURE. Bakit Metamorphosis ang titulo?

“Figurative po yun," sagot agad ni Gerald. "Ang gusto po naming ipakita dito sa concert na ito yung basically yung transformation ko po. From a boy to a man na po right now, hindi lang po physically, lahat na po.”

“Magpapakita po tayo, of course, ng konting skin dito.”

Kinarir din ni Gerald ang pagpapaganda ng katawan sa pamamagitan ng regular workout sa gym.

Sa tingin niya ay makakatulong ang pagpapakita niya ng katawan sa concert.

“Yes, tingin ko kasi nga metamorphosis dahil iyon nga magse-shed ka ng shell mo.

“And basta abangan nila, sobrang makikita nila dito yung sexy and mature na Gerald, musically and, 'ayun, physically.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

COMPETITION. Kasabay ng Metamorphosis concert ni Gerald ang concert ni Daniel Padilla.

Pangalawang beses na itong nangyari, ang una ay Hunyo rin of last year.

“Oo nga, e! Second time na kasabay ko na naman si Daniel, pero hindi naman po kami nagwo-worry kasi nandiyan naman yung Team Gerald.

“Yung mga followers ko talaga, yung sarili ko pong market.

“Iba naman po yung market niya so hindi po kami worried.”

Pero aminado si Gerald na may fear siya kahit papaano.

“May fear kahit papaano kasi po may mga kabataan rin po akong fans, e. So baka sa kanya magpunta,” at tumawa ang male balladeer.

DIFFERENCE. Ano ang meron sa show niya na wala sa concert ni Daniel? Ang abs ba, dahil nga magpapaseksi si Gerald sa concert niya?

“Isa na yun,” at muling tumawa ang binata.

“And siyempre, of course, yung real music, yung genuine na music, yung genuine na singing, iyon yung maririnig nila.”

Guests ni Gerald sina Azrah Gaffoor, Ali Forbes, Yuan Santiago, ang world-class girl group na MICA, ang Ateneo Chamber Choir, ang San Pedro Calungsod The Musical cast at isang very special guest.

Ang front act ni Gerald ay ang Freshmen at Intensity.

Ito ay sa direksyon ng manager ni Gerald na si Cocoy Ramilo.

Tungkol sa kanyang espesyal na bisita sa concert, hindi pa mai-reveal ni Gerald kung sino ito.

“Actually may hinihintay ho kasi kaming major guest na iniimbita namin.

“Until now hindi pa nako-confirm, babae po.”

May nanghula kung si Regine Velasquez o Lani Misalucha ito, hindi raw, ang sabi ni Gerald.

“Baka po kasi ma-publish na e malagot po kami kasi wala pa talagang confirmation, basta masusorpresa na lang po kayo.

“Basta major-major artist po talaga siya na babae.”

Hindi rin daw si Sarah Geronimo.

Sa tanong naman kung sino ang pangarap niyang mai-guest sa kanyang concert, “Siguro, si Miss Lea Salonga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m into theater din, e. So sobrang bilib din ako sa kanya in terms ng galing niya sa teatro, yung galing niya sa pagkanta, grabe!

“So it’s a once-in-a-lifetime experience kung makakaka-duet ko siya sa isang song.”

Hindi pa raw nila sinubukan na kuning special guest sa concert niya si Lea Salonga.

Ano ang pakiramdam na malaki ang venue ng concert niya?

“Medyo kinakabahan, pero confident naman po kami na mapupuno pa rin po namin.

“Like last year napuno naman po namin yung Skydome so gusto po naming mag-level-up this time, of course.

“Gusto namin slowly, but surely medyo kumbaga nag-a-upgrade po tayo.”

Ang Metamorphosis ay presented ng Pink Management Productions, Redlife Entertainment Productions, Prinstar Music Philippine, Calayan Surgicentre, among others.

Available ang tickets sa SM Ticketnet with telephone numbers 470-2222 and 09284782957.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN