Former Bakekang star Eunice Lagusad on potential suitors: “Para pong multo, nagpaparamdam po, pero hindi nagpapakita.”

Former Bakekang star Eunice Lagusad isn’t bothered by her NBSB (no boyfriend since birth) status, and prefers to ignore potential suitors for now: “Siguro po kasi, hindi ko rin ine-entertain. Hindi pa lang din po siguro dumarating yung tama. Meron po sigurong dahilan si God kung bakit hindi pa muna.”


Sampung taon na pala ang nakalilipas mula noong unang nakilala si Eunice Lagusad sa teleseryeng Bakekang sa GMA-7 bilang si Charming.

Ngayon ay teenager na ito at gumanap siya bilang bestfriend ni Bianca Umali sa nagwakas nang primetime series kagabi ng Kapuso network na Once Upon A Kiss (OUAK).

Pero sabi nga namin kay Eunice nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong April 28, kahit dalagita na siya, yung serye pa rin nilang Bakekang ang naaalala sa kanya.

“Opo, pero nagiging Eunice na rin naman po, kasi hindi na po nila 'ko tinatawag na Charming.

“Pero nakakatuwa pa rin po, kasi yung iba nare-recall po nila na si Charming po ako,” lahad niya.

NO REGRETS. Naging “best friend” ni Bianca ang karakter na ginampanan ni Eunice sa OUAK.

Kung tutuusin, mas nauna siyang nabigyan ng oportunidad ng network noon. Hindi ba niya inasam na sana'y siya rin ay makapagbida?

Sagot niya, “Wala po, kanya-kanya naman kami ng oras ng pagsikat. Siyempre po, ako po dati, 'tapos naging siya [Bianca].

“Parang gulong po, ikot lang ‘yan.

“Malay nyo naman po bukas, ako ulit. Then, siya naman.”

ARE MIGUEL & BIANCA “ON?” Natawa si Eunice nang tanungin namin kung sa palagay niya ay sina Miguel at Bianca na sa totoong buhay.

Yun daw kasi ang madalas na naitatanong sa kanya.

“Siguro po,” ang sagot niya.

Bakit niya nasabing “siguro po?”

“Mas medyo close po or sobrang close... siguro po. Hindi ko po alam. Sila lang po ang nakakaalam,” natawang sabi niya.

NO BOYFRIEND YET. Sa May 18, 17 years old na si Eunice. Pero hindi pa raw siya nagkakaroon ng boyfriend.

Natawa kami nang tanungin namin siya kung may nanliligaw naman sa kanya.

“Para pong multo, nagpaparamdam po, pero hindi nagpapakita,” saad niya.

Paano sila nagpaparamdam?

“Text po, minsan sa school,” paliwanag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong din niya, “Siguro po kasi, hindi ko rin ine-entertain. Hindi pa lang din po siguro dumarating yung tama.

“Meron po sigurong dahilan si God kung bakit hindi pa muna.”

CRUSHES. Sa mga crushes naman, ang mabilis na isinagot niyang showbiz crush niya ay ang Kapamilya star na si Enrique Gil.

Dagdag din niya, “Pero forever crush ko po si Kuya Richard Gutierrez at si Kuya Alden Richards din po. Super bait po ni Kuya Alden.

“Nakasama ko po siya sa Alakdana, super bait po niya.”

FREELANCE. Wala raw siyang manager. Matagal na raw siyang wala sa pangangalaga ng dati niyang manager na si Becky Aguila.

Okey din naman daw sa kanya kung sakali at magpa-manage na nga siya sa talent arm ng GMA-7 na GMA Artist Center.

“Nag-o-offer po sila ngayon na parang ima-manage po ako, pero ewan ko lang po kung ano ang usapan nila ni Mama.

“Masaya rin po kasi ang freelance dahil nakakapunta ka ng iba’t ibang station tulad ng ABS-CBN, TV5.

“Pero iba rin naman po yung naka-steady ka po.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN