Kristoffer Martin on possible reconciliation with ex-gf Joyce Ching: “Siguro po, oras lang, time lang. Yung pareho kaming ready.”

Kristoffer Martin clarifies relationship status with ex-girlfriend Joyce Ching: “Siguro ang nawala sa amin, yung commitment. Yun lang siguro. Pero in terms of kung paano kami mag-care sa isa’t isa, yung communication before, ganun pa rin.”


Binigyang-linaw ng Kapuso star na si Kristoffer Martin na hindi totoo ang isyu noon na umakyat diumano siya sa opisina ng mga boss ng Kapuso Network at nag-demand ng proyekto dahil matagal na siyang bakante.

Ang totoo raw, nag-usap lang sila para magbigay ng assurance na hindi siya lilipat ng network katulad ng mga ibang nabalita o nasulat.

Ayon nga kay Kristoffer na muling magbibida ngayon sa bagong panghapong serye ng GMA-7, ang Healing Hearts na magsisimula nang mapanood sa May 11, “Yung usap na yun, hindi ako umakyat para mag-demand ng project.

“Yun lang yun para sabihin na hindi ako lilipat.

“Na nasulat nga pero hindi ko alam kung saan nanggaling.”

STILL A LOYAL KAPUSO. Pumasok nga ba sa isipan niya na sumubok ng ibang network, lalo na at natagalan ang follow-up project niya at may mga ibang young actors ng network na nai-launch na rin?

Ang huling teleserye pa na ginawa niya ay ang Paraiso Ko’y Ikaw.

“Siyempre, may ganun din,” pag-amin niya.

“Pero iisipin mo pa rin career-wise kung ano ang mas best para sa career mo, e.

“Kumbaga, if you’re giving your all naman, dapat alam mo na kung ano ang best mo. May ganung thinking din naman, pero ako, pinapabahala ko na lang.”

Dugtong pa niya, “May trust naman ako sa network at hindi naman ako nawawalan ng trust.

“Ang sa akin, hintay lang.”

Noong panahon na wala pa siyang sariling teleserye at nabibigyan ng pagkakataon ang ibang Kapuso actors, hindi naman daw niya yun inisip na negatibo para sa kanya.

Sabi pa ni Kristoffer, “Kaibigan ko rin naman kasi sila kaya okey lang.”

NO RECONCILIATION WITH JOYCE. Halos paulit-ulit naman ang naging tanong kina Kristoffer at Joyce ng entertainment press.

Base raw kasi sa mga kilos nilang dalawa, puwedeng isipin na nagkabalikan na nga sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pareho naman nilang pinaninindigan na wala pang balikang nagaganap. Pero kung ano raw sila dati, kahit mag-ex na ay ganun pa rin daw sila ngayon sa isa’t isa.

Paglinaw niya, “Siguro ang nawala sa amin, yung commitment. Yun lang siguro.

“Pero in terms of kung paano kami mag-care sa isa’t isa, yung communication before, ganun pa rin.”

Marami nga raw ang nagugulat sa kanila ni Joyce na kahit wala silang relasyon, parang meron pa rin na parang mas mahirap sa dating magkarelasyon.

“Yun nga ang sinasabi ng iba na parang, 'Hndi ba kayo nahihirapan bilang mag-ex kayo?'

“Kaya sabi namin, 'Ang galing natin, 'no?'

“May ganun kaming conversation. 'Mag-ex tayo, pero, okey pa rin tayo sa company ng isa’t isa, parang walang nabago.'”

Basta kapag tungkol sa pagbabalikan, palagi naman daw sinasabi ni Kristoffer na open naman daw siya sa ganitong bagay.

Pero hindi raw nila pinag-uusapan pa.

“Siguro po, oras lang, time lang. Yung pareho kaming ready.

“Kasi ngayon yung pagiging ready namin, mga 60 or 65% pa lang kaming ready na fully developed na ang maturity namin,” diin niya.

LOVE EVOLVES. Dugtong pa niya, “Ayaw naming magsalita nang tapos na hindi kami magkakabalikan. Gusto pa rin naman, pero nire-ready lang ang sarili.”

Gusto pa rin niya?

“May ganun e,” natawang sabi niya.

Pero nagkaroon na siya ng girlfriend nang mag-break sila ni Joyce. Kaya ibig sabihin, kahit nagka-girlfriend siya, si Joyce pa rin ang gusto niya?

“Tapos na yung sa dyowa part,” natawang sabi niya.

Saka niya ipinaliwanag na, “Paano ba...? Well, ang love, hindi siya nawawala. Kumbaga, isine-set aside mo lang siya into a different level.”

THANKFUL TO KRISJOY FANS. Masaya naman daw si Kristoffer dahil ang mga KrisJoy fans ay nakikita niyang sinusuportahan ang loveteam nila, sila man o hindi sa isang relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi sila napi-pressure na gusto ng mga fans nila magkabalikan na nga sila?

“Hindi sila mapilit,” saad ni Kristoffer.

“Kumbaga, suportado nila kami bilang KrisJoy. Pero sa personal life namin, yung desisyon namin, suportado nila.

“May some na nangba-bash na hindi masyadong nakakaintindi. Pero gets ko. Kumbaga, naging fan din naman ako noon na gusto ko sila.

“Pero mostly naman mga KrisJoy fans, sobrang understanding.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN