Mich Liggayu breaks silence on issues hurled at her: "Lahat po talaga ng kaya kong ibigay, binigay ko na for Jam."

Mich Liggayu gives her bashers a message: “Sana ’wag na lang sila mag-judge ng tao, lalo pa hindi nila kilala, kasi wala po sila sa situation. Madali po magsalita lalo na ’di n’yo naman alam yung pinagdadaanan ng isang tao."


“Trying to be strong po every day,” ito ang naging bungad ni Mich nang kamustahin siya ng Startalk host na si Heart Evangelista.

Kaninang hapon, May 2, sa eksklusibong panayam ng Startalk ay binasag na ni Mich Liggayu ang kanyang katahimikan tungkol sa mga isyung ibinabato sa kanya simula nang pumanaw ang kasintahang si Jam Sebastian, pati na rin ang isyu nila ng ina ni Jam na si Maricar Sebastian.

Hindi raw intensiyon ni Mich na sagutin ang mga sinabi ni Maricar sa panayam nito sa Startalk dalawang linggo na ang nakararaan.

Gusto lamang daw niyang ipagtanggol ang sarili sa lahat ng isyung ibinabato sa kanya.

Ani Mich, “Gusto ko lang pong i-clarify, gusto ko po ipaalam sa inyong lahat, kaya po ako nagsalita ngayon, gusto ko po iklaro lahat ng issue.

“Hindi ko po intention na sagutin yung interview ni Tita Maricar kasi nirerespeto ko yung nanay ng taong minahal ko po.

“And yung ganitong issues po, sana hindi na pina-public.

"Kaya lang, yun nga po, marami na ang naapektuhan kaya 'andito na po ako para sumagot.”

Inamin ni Mich na ikinagulat niya at ng kanyang pamilya ang mga pinagsasabi ni Maricar sa mga interview.

Lahad niya, “Kung may tampuhan kami, sobrang minimal lang po.

“And bago po namatay si Jam, okey nga po kami nun, nag-dinner pa nga po kami after.

"Tapos kinabukasan, bumabawi po ako ng tulog, nasa bahay po ako ng parents ko, pumunta po siya.

“Nagulat mommy ko, medyo nagpa-panic siya, bakit daw ganun si Tita Maricar, biglang nagagalit, na may sinasabi tungkol sa money issues, ganyan.

“E, hindi pa naman niya kami nakakausap about it. ‘Di ko naman po ipagdadamot yun sa kanya.

"Alam po ni Jam, na ever since, ‘di po issue sa amin ang pera.

"Kaya po 'pag may mga projects kami ni Jam, kapag may financial aspect, si Jam po, pinapakausap ko kasi hands-off po talaga ako sa pera."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


HOW SHE AND JAM STARTED. Ikinuwento rin ni Mich kung paano sila nagsimula ni Jam.

Inamin niya na noong simula ay kailangan nilang patunayan sa mga magulang nila na kaya nila. Estudyante pa noon si Mich habang si Jam ay naghahanap pa lamang ng trabaho.

Kaya naging malaking blessing talaga ang YouTube sa kanila.

Kaya naman noong may sapat na silang pera ay inaya na siya ni Jam na manirahan kasama siya.

Kuwento ni Mich, "Yung first year namin, naging challenge sa amin ni Jam kasi nagkakilala po kami, college pa ako nun, 'tapos si Jam wala pa siyang work.

"So, yung family ko, nahirapan na tanggapin si Jam.

“Yung first three years namin, ipinaglaban po namin yung love namin sa family namin.

"Tapos may dumating na blessing sa amin, yung YouTube, nagkaroon po ng direction yung buhay namin.

“And simula po noon, nag-live-in na po kami ni Jam.

“Yun din po gusto ko i-clarify, si Jam po yung nag-convince sa akin na mag-live-in na kami, kasi yun po work namin, halos 24/7 magkasama po kami.

“Alam po niya [Maricar] yun.

"May nagsasabi po kasi na inagaw namin yung anak nila, hindi po totoo yun."


JAM'S EX. Nilinaw rin ni Mich ang isyu tungkol sa pagbisita ng ex-girlfriend ni Jam noong nasa ospital pa ito.

Aniya, “Yung time po kasi na yun, bago mangyari yung araw na yun, kinagabihan, nagtanong sa akin yung mommy niya kung puwede may bumisita.

“Sa akin, hindi ako sumagot, kasi wala naman sa akin yun, buti kung 'andun ako.

“Ako, walang kaso yun. Pupuntahan lang naman niya si Jam.

"Ang nangyari po, nagkaroon po ng misunderstanding.

“Umuwi po kasi ako 'tapos nagkataon na kung kailan wala ako, tsaka dun nila napapunta [ex ni Jam]. So, 'di po ako na-inform.

“Medyo sumama lang ang loob, sana may respeto man lang na sabihin na pupunta siya, ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“'Eto, sumama talaga loob ko, pero hindi ko po minura si Jam or what.

"Nagalit lang ako noon. Nagbuhos lang ako ng sama ng loob."


TAKING CARE OF JAM. Nilinaw rin Mich ang mga akusasyong hindi naman niya talaga inalagaan si Jam simula nang maospital ito.

“Gusto ko din po linawin sa mga tao ngayon, kasi lumalabas na parang napakawalang-kuwenta kong girlfriend.

"E, kami po ni Jam, 24/7 po kami magkasama.

“Ang dami ko pong sinacrifice for him. Yung family ko na sobra ko pong bina-value, 'di ko na nakakasama masyado.

“May mga works din po ako na natatanggihan kasi pina-prioritize ko si Jam nun.

“Umabot po sa point na pati yung pag-poop niya, tinutulungan ko.

"Yung mga extremes po, nagawa ko na yun for him.

“Lahat po talaga ng kaya kong ibigay, binigay ko na for Jam.”


JOBLESS MICH. Inamin din ni Mich ang pagkakaroon ng problemang pinansiyal dahil sa pagkawala ng ilang projects.

“Yun po, ngayon nahihirapan din ako financially, kasi nawalan din ako ng work.

“Yun po siguro yung sinasabi niya [Maricar], yung sa YouTube namin, yung Jamich TV.

“Yung Jamich [Facebook] page po, ‘di ko na po hawak yun, na-hack po siya, pero may post pa din po siya.

"Madami kasi akala ako pa din yung nagpo-post, na ginagamit ko pa din po yun para i-promote ang sarili ko.

“Gumawa na po ako ng sarili kong page, wala na po masasabi yung mga tao na ginagamit ko po.

"May iba na po akong page na ginagamit ‘di na po yung Jamich."

SUDDEN CHANGE. Hindi pa rin malinaw kay Mich ang pinanggagalingan ng ina ni Jam, kung bakit ito nagsalita laban sa kanya.

Saad niya, “Bago po kami maghiwa-hiwalay nung inilibing po si Jam, naisip ko po na magko-continue pa din, like yung mga pinagdaanan po namin before, like aalis pa din kami together, kakain sa labas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero after that, bigla na lang po nag-change.

“Di ko alam kung bakit.

“Di naman po ako nagsasarado ng doors sa kanila.

“Actually, nagri-reach out kami sa kanila, tina-try sila i-contact ng parents ko, 'di po sila sinasagot.

"Tina-try po tawagan nina Mommy, di po nila ma-contact.

“Ang nakakausap na lang po namin, si Yexel [Jam's brother] and iba pong friends, na puwede mag-usap kami in person para 'di na ganito kalaki yung issue.”

Sa kasalukuyan, handa na ba si Mich na ma-in love ulit?

Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin mamatay-matay ang pagkakadawit ng pangalan ng singer na si Neo Domingo sa kanya.

Paglilinaw niya, “Wala po. Hindi pa ako ready sa ganyan.

“Wala pong nagpaparamdam.

"Sa ngayon po, nagko-concentrate po ako kasama ng family ko.

“Time lang po siguro, kasi ‘di ko alam kung kelan ko makakaya.

"Actually po ngayon, may times na naiiyak pa din ako, natutulala na lang bigla kasi nagwa-wonder ako nasaan na ba si Jam.

“Lagi lang din akong nagpi-pray talaga.

"Yun na lang nagki-keep strong sa akin, yung faith ko po kay God.”


MESSAGE TO BASHERS. Nagbigay rin ng mensahe si Mich sa bashers niya, “Sana 'wag na lang sila mag-judge ng tao, lalo pa hindi nila kilala, kasi wala po sila sa situation.

“Madali po magsalita lalo na 'di n'yo naman alam yung pinagdadaanan ng isang tao.

“Ang dami ko po puwede sabihin na masasama, pero kahit anong galaw mo, may bashers po.

"Negative po talaga sila mag-isip, wala na po tayo magagawa. Kahit ano pa ang i-explain natin sa kanila.”

Ibinahagi rin ni Mich ang huling pag-uusap nila ni Jam.

“Yung last na pag-uusap namin ni Jam, gusto pa din niya i-continue yung mga ginagawa namin before.

"Yun siguro, gusto ko pa din makita niya na gagawin pa din namin yung passion namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And I am sure magiging masaya siya sa akin sa mga gagawin ko sa future."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN