Chynna Ortaleza worried about success of The Rich Man’s Daughter due to Marian Rivera’s absence

Chynna Ortalez explains why she’s worried about the success of the new GMA-7 soap, The Rich Man’s Daughter, after a pregnant Marian Rivera announced her resignation from the show. “Kasi Marian Rivera is Marian Rivera. I mean, she has her fan base, her supporters, you’ll really feel her presence if you’re part of her project,” Chynna says.


Isang all-out lesbian ang karakter na ginagampanan ng Kapuso star na si Chynna Ortaleza sa bagong primetime series ng GMA-7 na The Rich Man’s Daughter.

Siya ang nanliligaw sa kapwa niyang babae sa serye.

Tinanong namin si Chynna: Sa totoong buhay ba ay naligawan na siya ng isang tomboy o kapwa niya babae?

“Hindi, hindi pa talaga,” mabilis naman niyang sagot.

Paano kung may manligaw sa kanya na lesbian?

“Hindi ko alam, kasi open-minded naman akong tao. I mean, hindi mo naman alam kung ano ang mangyayari sa life mo, ‘di ba?

“Paano nga pala kung may manligaw sa ‘yo? Paano kung ma-Jade ka? Kasi si Jade, akala niya straight siya, biglang may ganung klaseng connection ang naramdaman niya," ang sabi ni Chynna.

Si Jade ang bidang karakter sa serye na ginagampanan ni Rhian Ramos, na siyang pumalit kay Marianne Rivera.

“Kasi ganun talaga, parang soulmate.”

OPEN TO LESBIAN RELATIONSHIP? Sa mga pahayag niya, para na rin niyang sinasabi na “open” siya na pumasok sa isang girl-to-girl relationship.

Pag-amin niya, “Oo, kasi hindi ko naman masasabi na hindi mangyayari. Hindi ko nga masasabi na buhay pa ko mamaya.

“'Paano kung may manligaw sa 'yo sa lesbian community o homosexual?' Hindi mo masabi.

“Kapag nangyari lang, saka mo mapi-feel kung good vibes ka or straight ka talaga o hindi. Pero hindi talaga, babae talaga 'ko kasi may nanligaw na sa akin, pero, hindi talaga," aniya.

PRESSURED BECAUSE OF MARIAN'S ABSENCE. Sa isang banda, aminado si Chynna na mas may pressure sila sa cast na nararamdaman dahil sa hindi pagkatuloy sa serye ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Sabi nga ni Chynna, “Oo naman, kasi Marian Rivera is Marian Rivera.

“I mean, she has her fan base, her supporters, you’ll really feel her presence if you’re part of her project.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“They are very supportive of her and you’ll feel naman na yung genuine love for her, nagre-reflect hanggang sa mga co-stars niya.

“But ano rin naman, parang I know naman Rhian has a good fan base din. Challenging lang that we have to do better, we have to really make sure na we make this work.

“Parang wala kaming crutch kung iisipin mo, wala kaming saklay, wala kaming Marian.

“So siyempre, yung story, confident naman kami na maganda siya.”

PEG FOR LESBIAN ROLE. Sa papel niyang bilang isang tomboy, walang maisagot si Chynna kung sino ang ginawa niyang peg.

Ayon dito, “I researched but I don’t have a specific peg because I don’t want to copy. Parang I don’t wanna copy anybody like Hilary Swank (in Boys Don't Cry). I don’t wanna copy her because that’s distinct to her.

“Kapag siya pinasok niya ang role na ‘yan, siya ang lalabas.

“Kumbaga ako, I’m gonna be true to myself. Kumbaga, I’m looking at the truth in myself. Kung ako si Batchi (yung lesbian karakter niya), then ito ang lalabas.”

JOHN PRATS-ISABEL OLI WEDDING. Sa isang banda, isa si Chynna sa tatayong maid of honor sa kasal nina Isabel Oli at John Prats sa Batangas.

Kuwento ni Chynna na natatawa, “Girl na girl talaga yung gown ko, ang ganda niya, pang-girl talaga. Isa ako sa maid of honor, pero yun lang, yung buhok ko, ang pogi.

“Si Liv sabi niya, 'Chynna, sana naman girl ka talaga sa wedding.'

“E, patay. Ewan paano, kasi sa sobrang ikli ng hair ko, walang kakapitan kahit extension.

“Siguro kukuhanin ko na lang sa gown,” natawa pa rin niyang sabi.

Masaya naman daw siya para sa kaibigan dahil nakikita raw niyang masaya si Isabel sa magiging bagong buhay nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo naman, very happy ako for her and for John also. Talagang nakikita ko naman na love nila ang isa’t isa and mahal talaga siya ni John and even John’s family.

“Kasi, si Liv alam ko yun, e.

“Noong manligaw sa kanya si John, talagang ayaw niya muna sanang i-entertain. Parang sabi niya, after ng mga past relationships niya, ‘wag muna, pero yun nga, niligawan siya.

“So talagang hindi mo puwedeng sabihin kung ano ang puwedeng mangyari sa buhay mo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN