Watch Now

Dan Fernandez clarifies townmate Alden Richards is not endorsing him

Mar 12, 2016
<p>Dan Fernandez is steering clear of the rivalry between his friends Phillip Salvador and Daniel Fernando who are both running as vice governor of Bulacan. He says, "Pareho nating kaibigan 'yan. Sa labanang 'yan, may the best man win!"</p>

Masaya at proud si Laguna Congressman Dan Fernandez sa kasikatang tinatamasa ngayon ng isa pang “anak” ng Laguna na si Alden Richards.

Taga-Sta. Rosa, Laguna ang Pambansang Bae.

“Sobra! 'Yang si Alden, alaga 'yan nila Arcillas, e, ni Arlene,” pagtukoy ni Dan sa kasalukuyang mayor ng Sta. Rosa, Laguna.

Patuloy ng actor-politician, “Kasi yung Ginoong Sta. Rosa, produkto si Alden ng Ginoong Sta. Rosa.

“Yung batang yun, napakabait, alaga 'yan ni Mommy Ofie.

“Siya yung mommy ng aking mayor, ng aking congresswoman.”

Aspirant sa Congress si Mayor Arlene Arcillas ngayong eleksiyon

“Mommy niya yun, yun ang nag-aalaga kay Alden, si Mommy Ofie.

“Hindi niya kamag-anak, pero sina Mommy Ofie ang sumuporta sa kanya nung sa Ginoong Sta. Rosa.

“Struggling pa lamang si Alden, sila na ang sumusuporta.

“At saka si Alden, laging nandun kina Mommy Ofie 'yan.

“Hanggang ngayon, yung utang na loob niya sa pamilya Arcillas ay hindi niya nakakalimutan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Every now and then, birthday party, Christmas party, lagi siyang nandun.”

Sabi pa ni Dan, “At hindi siya nagtataas ng kandidato, ang itinaas lang niya ako, si Arlene at saka yung kapatid niya, si Arnold Arcillas.

“Out of respect and out of gratitude sa mga Arcillas.

“Nung festival namin sumama siya, andun siya, itinataas niya mga kamay namin, nung January.”

Safe bang sabihin na iniendorso sila ni Alden?

“Siya na lang, huwag na sa akin manggaling.

“Pero sufficient na sa amin yung itinaas niya yung kamay niya, tapos kapag may nagtatanong sa kanya, kami yung sinusuportahan niya.

“That is enough, huwag nating ilagay sa alanganin si Alden.

“Kasi, according to GMA, hindi siya puwedeng mag-endorse, kaya huwag na natin siyang ilagay sa alanganin.

“Yung sa kanya lang, out of respect and gratitude sa mga Arcillas kaya niya ginawa iyon.”

FROM CONGRESSMAN TO MAYOR. Naging maayos ang itinakbo ng political career ni Dan bilang congressman ng First District ng lalawigan ng Laguna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa pagtatapos ng ikatlong termino niya, ang pagiging mayor ng Sta. Rosa City naman ang susubukang pagtagumpayan ni Dan ngayong eleksiyon.

Ayaw niyang subukan ang maging senador?

“Kasi ang Sta. Rosa, medyo mataas na yung Sta. Rosa, kita niyo naman, sa Nuvali, sa Paseo.

“You want to be a part of the growth of the said city, at parang hindi ko feel yung sa senado!” at tumawa si Dan.

“Mas kilala ko yung sarili ko, yung sa capacity to have this kind of a position in my career.

“As of now, ang gusto ko lang po talaga, e, yung sa Sta. Rosa muna.

“Pero, who knows, someday baka I’ll be coming back sa Congress.

“Meron pa akong mga unfinished business, e, marami pa akong gustong gawin sa Kongreso.

“Katulad ng mga batas na hindi ko na nahabol para sa industriya natin.

“Sinabi ko kay Alfred, ipagpatuloy niya yung nasimulan namin sa pakikipaglabang ito,” pagtukoy niya kay Quezon City Congressman Alfred Vargas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang isa sa mga pakikipaglabang tinutukoy ni Dan ay ang kaguluhang naganap sa Metro Manila Films Festival noong December.

Sambit niya, “Kailangang tapusin at yung mga beneficiary talaga dapat talagang mga taga-industriya.”

Nais nga raw niyang magkaroon ng mga proyekto na ang benepisyo ay mapupunta sa members ng media.

“Sa totoo lang, walang nag-aalaga sa inyo, 'no?”

LAGUNA POLITICS. Sino naman ang dala ni Dan niya sa pagka-Presidente,

“Mar Roxas,” ang mabilis niyang sagot. “Mabuhay si Mar Roxas!”

Sino naman ang gobernador ng Laguna na dadalhin niya?

“Si Ramil Hernandez ang aking governor!”

Si Governor Hernandez ang humalili kay ER Ejercito nang matanggal ito sa puwesto.

Hindi ba sila close ni ER?

“Hindi kami magkapartido ni ER, e. Si ER kasi sa kabila, sa UNA.”

Sa Liberal Party naman si Dan.

“Okay lang, ano naman kami, maganda naman yung ano... Minsan okay, minsan hindi.”

Hindi niya masasabing close friends sila ni ER?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi, we’re not close friends,” sagot ni Dan.

Dahil taga-showbiz siya, nahingan ng opinyon si Dan tungkol sa labanang Phillip Salvador at Daniel Fernando na magkakabanggaan naman sa pagka-bise gobernador ng lalawigan ng Bulacan.

“Mabigat ‘yan!” at tumawa si Dan. “Pareho nating kaibigan ‘yan.

“Sa labanang 'yan, may the best man win!

“Kaya nila 'yan, bahala na sila sa buhay nila!” at muling tumawa si Dan.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Dan Fernandez is steering clear of the rivalry between his friends Phillip Salvador and Daniel Fernando who are both running as vice governor of Bulacan. He says, "Pareho nating kaibigan 'yan. Sa labanang 'yan, may the best man win!"</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results