Rita Daniela says posing for a men’s magazine doesn’t define sexiness: “May sarili po akong definition ng sexy.”

Rita Daniela says it’s too early for her to pose for a men’s magazine: “Kung gagawin po nating lahat, ano pa pong puwede kong ipakita in the future? Ano pa pong puwede kong gawin?”


“Ay, hindi po!” ang mabilis na reaksyon ni Rita Daniela sa tanong kung papayag ba siya na mag-pose ng sexy para sa FHM.

“Parang hindi naman po siya part ng plano.”

Nais niyang makilala bilang mature performer. Hindi ba bahagi nito ang pagpapa-sexy at maging daring?

Paglinaw niya, “Para po sa akin may sarili po akong definition ng sexy.

“Hindi naman po kailangan na every time e, magpapakita ka ng skin.

“It’s the way you handle yung pagiging sexy mo. Like siguro the way you dress.”

Nagsasalita ba ng tapos si Rita na hinding-hindi siya magpu-pose ng sexy para sa FHM?

Sagot niya, “Ayaw ko pong magsalita ng tapos. Pero hindi po ngayon talaga. Masyado pong...it’s too early.

“Kasi po para sa akin, 'di ba, kung gagawin po nating lahat, ano pa pong puwede kong ipakita in the future?

“Ano pa pong puwede kong gawin?”

BIDING HER TIME. Pagtuntong niya ng twenty-three taon gulang, mga three years from now, kaya na niya?

“Ang aga naman nun, 'teh!” natatawa niyang hirit.

Thirty-three?

Tumawa muna si Rita bago sinabing…

“Bakit hindi? Si Ms. Eula Valdes nga.”

Ang concept naman kasi ng FHM pictorial ni Eula dati ay bilang isang hot mama.

“O, why not? Malay mo naman, 'di ba? O, sexy pa rin ako 'pag nagka-baby,” sambit niya.

Wala pang naging boyfriend si Rita.

Aniya, “Crush-crush lang, ganun.”

Baka takot sa kanya ang mga lalaki; lagi kasi siyang mataray sa mga papel niya sa telebisyon.

Tulad sa Let The Love Begin ng GMA. Bilang si Luchie ay kontrabida siya kay Pia na ginagampanan ni Gabbi Garcia.

Paglinaw niya, “Uy, hindi ah! Alam ng lahat super-kalog ako 'pag wala sa TV.”

NOT READY FOR RELATIONSHIP. Bakit hindi pa siya nagkaka-boyfriend?

“Kasi po, gusto ko na hindi pa,” deklara niya.

May nanliligaw naman daw sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Rita, “Meron naman po.”

Binabasted ba niya agad?

“Hindi naman. Siyempre friends naman. Lalo na kung mabait naman yung tao, bakit naman natin iba-basted?” saad niya.

ALBUM. Ayaw (muna) niyang magpa-sexy sa FHM, pero paano siya nakumbinsi na mag-sexy pictorial para sa self-titled album niya?

“Hindi naman po sa nakumbinsi, pero kasi gusto ko rin po yun,” pagklaro niya.

Laman ng album ni Rita ang mga kantang “'Di Lang Ikaw,” “Forever With You,” “Fallin’,” “Hahanap-Hanapin Ka,” “Ihip Ng Pag-Ibig,” at “I’m Flying High.”

Ito ay mula sa GMA Records at ang digital format nito ay unang ini-release worldwide noong April 12 at available sa OPM2GO, Deezer, iTunes, at Amazon.

EDGE. Sa palagay ni Rita, ano ang edge o lamang niya sa ibang Kapuso singers tulad nina Jonalyn Viray, Frencheska Farr, Aicelle Santos, Julie Anne San Jose, at iba pa?

“Ay, scary ha? Scary na question naman po 'yan!

“Dyusko, ano ba?”

May lamang ba siya sa iba dahil isa siyang singer at mahusay din siyang kontrabida?

“Siguro po iyon din, kasama po yun, na siguro masasabi ko na hindi lang ako total performer, total package po ako talaga.

“Kasi kahit na anong sabihin n'yo sa akin, kaya kong gawin.”

WANTS TO WORK WITH BARBIE. Sino pa ang artistang gusto niyang “apihin” onscreen?

“Gusto ko si Barbie,” pakli niya.

Hindi pa raw niya nakatrabaho sa isang teleserye si Barbie Forteza.

“Napakahusay na aktres niya talaga!” pagpuri niya sa kapwa Kapuso actress.

NO TO COSMETIC SURGERY. Mas gumanda si Rita ngayon pero wala raw siyang ipinaretoke sa kahit na anong parte ng kanyang mukha o katawan.

“Wala po talaga, kasi siyempre bata pa lang po ako, 'di ba? Nakikita n'yo naman po yung hitsura ko. Ganito pa rin, may nagbago ba?

“Ganito pa rin naman po,” diin niya.

Hindi raw siya pabor sa pagpaparetoke o enhancement.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mas gusto ko po talaga yung pure and natural.”

SEMI-REGULAR IN SAS. Semi-regular lamang si Rita sa Sunday All Stars.

Bakit, gayung mahusay siyang performer?

“Hindi ko po alam, e,” at tumawa si Rita.

May hinanakit ba siya, na siya ang legitimate na singer pero hindi siya regular performer sa naturang musical variety show?

“E, siyempre hindi naman po dapat ganun, na ako yung singer, so…

“Siyempre decision din po nila [GMA management] so dapat i-respect po natin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN