Beauty queens Pia Wurtzbach, Olivia Culpo draw flak due to their social media posts after Pacquiao-Mayweather fight

Miss Universe Philippines 2015 Pia Wurtzbach (left) posts message to fans following Manny Pacquiao’s loss to Floyd Mayweather Jr.: "Kalma lang guys. Ako bahala. Babawi tayo sa Miss Universe!!" On the other hand, Miss Universe 2012 Olivia Culpo (right) gets bashed following her parellilism of Pacquiao-Mayweather’s fight to her win against Pinay beauty queen Janine Tugonon.


Umani ng pambabatikos si Miss Universe Philippines 2015 Pia Wurtzbach dahil sa kanyang pahayag na siya na ang bahalang bumawi sa pagpapakita ng galing at talento ng Pinoy sa nalalapit niyang pagsabak sa Miss Universe pageant ngayong taon.

Inihayag ito ni Pia, sa pamamagitan ng kanyang Twitter account, sa gitna ng pagkadismaya ng Pinoy fans sa pagkatalo ni Manny Pacquiao kay Floyd Mayweather Jr.

Read: Floyd Mayweather stays unbeaten, beats Manny Pacquiao by unanimous decision

Ito ang pahayag ni Pia sa Twitter ngayong araw, May 3:

Tila hindi nagustuhan ng ilang netizens ang Twitter post ni Pia at pinatutsadahan pa ang beauty queen tungkol sa pagkasungkit nito ng titulong Miss Universe Philippines sa ikatlong beses niyang pagsali sa Binibining Pilipinas.

May ilan ding nagkomentong hindi nila nagustuhan ang pagiging overconfident ni Pia at ayaw na nilang umasang maiuuwi nito ang Miss Universe crown.

Base sa Twitter posts ni Pia, makikitang isa-isa niyang sinagot ang ilan sa kanyang bashers, upang linawin na pinaghirapan niya nang husto kung anuman ang nakamit niya sa larangan ng beauty pageants.

Kumpiyansa ring sinabi ni Pia na gagawin niya ang lahat upang makamit ang Miss Universe crown.

MISS UNIVERSE 2012 OLIVIA CULPO'S "OFFENSIVE" IG POST. Sa kabilang banda, usap-usapan din sa social media ang Instagram post ni Miss Universe 2012 Olivia Culpo, na ikinumpara ang pagtutuos nina Manny at Floyd sa boxing arena laban sa paghaharap nila ni Miss Philippines Janine Tugonon sa Miss Universe noong 2012.

Parehong ni-represent nina Floyd at Olivia ang U.S., habang sina Manny at Janine ay ni-represent ang Philippines sa kani-kanilang larangang kinabibilangan.

Tulad ng nabanggit na boxing champs, naging mahigpit na magkalaban sina Olivia at Janine sa Miss Universe pageant kung saan itinanghal ang Filipina beauty na first-runner up.

Sabi ni Olivia sa caption ng naturang Instagram post: "It's fight night people! #Throwback to me and miss philippines doing our best face off @tugononjanine."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

It's fight night people! #Throwback to me and miss philippines doing our best face off @tugononjanine

A photo posted by Olivia Culpo (@oliviaculpo) onMay 2, 2015 at 10:26pm PDT

Ngunit base sa comments thread ng naturang Instagram post, may ilang netizens ang nagsasabing "edited" na ang caption ni Olivia.

Unang inilagay umano ni Olivia sa kanyang caption ay "Phl vs USA"—bagay na ikinainsulto ng ibang Pinoy na nakabasa nito.

Lalo pa't may ilang kumukuwestiyon sa pagkapanalo ni Olivia, na hindi umano gaanong maganda ang naging sagot sa Question and Answer portion ng Miss Universe pageant noong 2012.

Read: Miss Philippines Janine Tugonon finishes 1st runner-up in Miss Universe 2012; Miss USA wins the crown


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN