Glaiza de Castro encourages Angelica Panganiban to nurture her songwriting talent: “Malalim na tao si Angel...”

Glaiza de Castro on good friend and co-songwriter Angelica Panganiban: “Si Angel kasi nakilala siya na artista lang ’tapos akala ng marami mataray siya. But she’s more than that. Malalim na tao si Angel and I want to help her to bring out this amazing talent.”


Hinimok ng Kapuso actress na si Glaiza de Castro ang kanyang kaibigan na si Angelica Panganiban na i-explore nito ang kanyang talento sa pagsulat ng musika.

Ayon kay Glaiza, magaling magsulat ng titik ang Kapamilya actress. Sa katunayan ay tumulong siya sa pagbuo ng dalawang kanta sa Synthesis album ni Glaiza.

“Co-writer ko si Angel in two songs sa album. These are 'Barcelona' and 'Waiting Shed.'

“Maraming hindi nakakaalam na magaling si Angel magsulat ng lyrics. Yun ang isang side na hindi pa nalalaman ng maraming tao tungkol sa kanya.

“Sabi ko nga sa kanya, kailangan ma-explore niya 'yang talent niyang ‘yan.

“Sayang naman kung hindi iyon maggu-grow, ‘di ba?” kuwento pa ni Glaiza nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa launch ng kanyang album na Synthesis sa Runner’s Kitchen sa Tomas Morato Avenue, Quezon City, noong April 28.

ENDURING FRIENDSHIP. Naging malapit si Glaiza at Angelica noong nasa bakuran pa sila ng ABS-CBN.

Nagkasama sila sa 2002 youth-oriented series na Berks kunsaan nakasama rin nila sina John Prats, Carlo Aquino at Heart Evangelista. At maging sa 2005 drama series na Ikaw Ang Lahat Sa Akin kunsaan nakasama nila sina Claudine Barretto at Diether Ocampo.

Naging co-stars din ang dalawa sa horror film na White Lady noong 2006.

Nagpapasalamat si Glaiza na hindi nawala o nagbago ang pagkakaibigan nila kahit na magkaiba na ang nilalabasan nilang TV stations.

“Years na ang binilang ng friendship namin ni Angelica.

“Imagine, mga bata pa kami noon, magkaibigan na kami.

“Yun naman ang gusto ko kay Angel kasi kahit na minsan matagal kaming hindi nakakapag-usap or nagkikita, may effort siyang magyaya na magkita kami para lang magkuwentuhan.

“Kaya nga nabuo namin ang dalawang songs dahil nung nalaman niyang I would be producing my own album, gusto niyang mag-contribute ng lyrics.

“Ang ending ay dalawang songs ang nabuo namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya sinabi ko sa kanya na ilabas pa niya ‘yang talent niya sa music. Kasi ibang side na niya ito na kailangan malaman ng marami.

“Si Angel kasi nakilala siya na artista lang 'tapos akala ng marami mataray siya.

“But she’s more than that. Malalim na tao si Angel and I want to help her to bring out this amazing talent,” pagmamalaki niya.

SELF-PRODUCED ALBUM. Ayaw ngang i-compromise ni Glaiza ang kanyang pagiging artist kaya siya na mismo ang nag-produce ng kanyang album kunsaan siya rin ang nagsulat ng walong kanta nito.

Gusto ni Glaiza na umawit ng mga kanta na malapit sa puso niya. At gusto rin niyang maibahagi sa bagong henerasyon ng mga music lovers ang mga kantang likha niya.

“I have nothing against revivals. Pero ang kumikita lang kasi diyan ay ang may-ari ng song, e.

“'Tsaka mahirap na rin yung maku-compare ka pa sa original singer.

“Whereas kapag original ang inaawit mo, magkakaroon pa sila ng appreciation na nag-effort ka to create this new music.

“I want to make my own music and the only way I can do that is to produce it myself.

“And I am happy about this achievement in my career in music.

“Sa simula naman talaga, singing ang unang love ko.

“Kaya ngayon ay nag-full blast na ako dahil na rin sa tulong ng family and close friends. Kami-kami ang nagtulong-tulong to create my music,” diin pa niya.

Ang carrier single ng album ni Glaiza ay may titulong “Dusk ‘Til Dawn” at ang music video nito ay pinagtulungan din nilang magkakaibigan na mabuo.

“For the love of friendship ang pagbuo namin ng music video.

“May nilabas din kaming budget dahil meron kaming mga na-hire na talents, 'tapos yung editing pa ng buong video.

“Yung mga locations namin ay halos TY [thank you] lahat. Pakikisama lang ang naging puhunan namin,” tawa pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TV SHOW. Bukod nga sa album ay abala rin si Glaiza sa taping ng primetime teleserye na The Rich Man’s Daughter.

Natuwa siya na muli silang nagkasama ni Rhian Ramos na una niyang nakatrabaho sa teleserye na Stairway To Heaven in 2009.

Magugulat daw ang marami sa mga intimate at passionate scenes nila ni Rhian kunsaan gaganap silang mga lesbian lovers.

Pinanood daw ni Glaiza ang mga U.S. TV shows na Orange Is The New Black at The L Word para mapag-aralan niya kung paano umarte bilang isang lesbian.

“Matutuwa ang lesbian community sa show namin!” bulalas niya.

“Feeling ko magiging lesbian icons kami nila Rhian, Chynna Ortaleza at Katrina Halili.

“Naging maingat kami sa paglarawan ng mundo nila. And hopefully, mag-agree sila sa amin at suportahan nila ang breakthrough drama na ito.”

HEALTH RESTO. Nagpapatakbo na rin ng kanyang negosyo si Glaiza.

Tinayo nila ng kanyang mga kaibigan ang Runner’s Kitchen para sa mga health-conscious eaters.

“Marami kaming partners dito. Lahat kami mga health buff.

“Group kami ng mga runners at parati kami tumatakbo sa may U.P.

“So we came up with a concept na small resto serving healthy food.

“It’s alternative eating for those who want to lose weight or just be in good shape.

“So far, maganda ang feedback ng resto namin. May mga patrons na kami na hinahanap yung menu namin.

“It’s our own way of promoting healthy eating and a healthy lifestyle,” pagmamalaki niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN