Raymond Gutierrez, Liza Soberano slammed for “gay” tweets on Floyd Mayweather

"Calm your tittays! I love people with vaginas as much as you do! I’m just saying Mayweather has one,” says Raymond Gutierrez, explaining his alleged “sexist” comment on Floyd Mayweather. Both Twitter posts have already been deleted by Raymond.


Hindi nagustuhan ng netizens ang diumano'y sexist na komento nina Raymond Gutierrez at Liza Soberano tungkol sa U.S. boxer na si Floyd Mayweather Jr. matapos nitong matalo ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao.

Na-delete na ang kani-kanilang mga Twitter posts habang ginaganap ang laban nina Manny at Floyd kaninang tanghali, May 3. Pero may ilang followers nila ang nakakuha ng screenshot nito.

Unang nag-tweet si Liza ng “Gay asf #hugggggggin,” na tila patama sa kalaban ni Pacman na si Mayweather.

Sunod nito ay sinabi niya, “He's fighting like a girl hitting him in the balls.”

Sa kabilang banda, agad rin napansin ng netizens ang tweet na ito ni Raymond Gutierrez, “Mayweather clearly has a vagina.”

Kasunod nito, agad na humingi ng paumanhin ang parehong celebrities tungkol sa kanilang Twitter posts.

Sinabi ni Liza sa reply niya sa isang nakapansin sa kanyang Twitter posts: “@Watdahel_Marcel well I'm sorry if I offended you in anyway but I didn't mean for it to sound like that I apologize.”

Sabi naman ni Raymond, “Calm your tittays! I love people with vaginas as much as you do! I’m just saying Mayweather has one.”

STOP GAY COMMENTS. Samantala, nag-post naman ng kani-kanilang saloobin ang TV hosts na sina Bianca Gonzalez at Cesca Litton tungkol sa pagbibigay ng “gay” comments.

Ani Cesca, “Can you please quit with the homophobic insults? It's 2015. Calling someone gay never got anyone anywhere.”

Sabi naman ni Bianca, “Puzzled by those throwing 'gay' insults. Uhm, 2015 reality check, how is calling someone gay an insult.”

Dahil kilalang Kapamilya si Bianca, hindi naiwasan ng ibang netizens na iugnay ang Twitter post niyang ito sa sinabi ni Liza.

Subalit nilinaw ng Pinoy Big Brother host, “I posted about 'gay' comments but in no way connected.”

Dagdag pa niya, “I heard Liza posted something, deleted, and apologized. Lessons learned for all. No need to hate on me or anyone else, no need to assume.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN