Manny Pacquiao to undergo MRI to find out if he needs shoulder surgery

The Nevada Athletic Commission (NAC) refused to give Manny Pacquiao anti-inflammatory shot just before his fight against Floyd Mayweather Jr. because the Pinoy boxer failed to inform the commission about his injury earlier.


Hiniling ni Manny Pacquiao na bigyan siya ng anti-inflammatory shot bago ang laban nila ni Floyd Mayweather Jr. sa MGM Grand noong May 2 (May 3, Philippine time), subalit hindi pumayag ang Nevada Athletic Commission (NAC) na nangangalaga sa kalagayan ng kalusugan ng dalawang atleta.

Ito ay para mamanhid ang kanyang balikat na na-injure habang nagte-training.

“Kinausap sila, pero matigas sila, e. Kumbaga, sabi ko na lang, ‘Sige, okay lang,’” sabi ni Manny sa panayam niya sa Umagang Kay Ganda kaninang umaga, May 4.

Paliwanag naman ng NAC, hindi sila pumayag na bigyan ng shot si Pacquiao dahil nabigo ang Pambansang Kamao na sabihin sa kanila ang kanyang kundisyon nang mas maaga.

Sa interview kay Pacquiao kaninang umaga, tinanong siya kung hindi ba sumasakit ang kanyang kanang balikat bago ang laban nila ni Mayweather.

Tugon niya, “Nung umpisa, nung nagwa-warm [up] kami, naisusuntok-suntok ko.

“Hindi talaga yung 100 percent na suntok ko, mga 50-60 percent lang. And then, kaya ko pa yung kirot.

"Pero nung fight na, after nung three rounds, doon na sumakit. Kaya may round dun na umaatras ako."

Naka-schedule daw magpa-MRI (magnetic resonance imaging) si Manny bukas, May 5, upang matukoy kung kailangan niyang sumailalim ng operasyon.

Paglilinaw ni Pacquiao mayroon siyang torn ligament at hindi ito putol.

“Punit, punit siya.

“Three weeks ago, before the fight, pina-MRI ko. May punit siya. Ngayon, patingnan ko ulit.”

Dagdag pa ni Manny, iniinda talaga niya ang kanyang injury maging sa pagtulog.

“Masakit, 'di ka makatulog pagkirot.”

Ayon pa sa mga ulat, kung matutuloy ang pagpapaopera ni Manny, aabutin ito ng tatlo hanggang siyam na buwan bago tuluyang maghilom.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN