Beauty queen Sandra Seifert pregnant with Cesar Montano’s child?

Wala mang pahayag ang aktor na si Cesar Montano at ang beauty queen na si Sandra Seifert, marami pa ring naglabasang isyu na nagli-live-in na diumano ang dalawa. Ayon pa sa mga ulat, nagdadalantao na rin daw si Sandra sa anak nila ni Cesar.


Matagal na ang haka-hakang may relasyon diumano ang aktor na si Cesar Montano at si Miss Philippines Earth 2009 Sandra Seifert.

Sa isang panayam noong October 2014 ay itinanggi ni Cesar na may namamagitan sa kanila ni Sandra, maliban sa pagiging churchmate.

Madalas lang daw silang magkasama sa ilang mga lakad, lalo na sa charity works at sa pangangaral nila sa Seventh Day Aventist church.

Ngunit sa kabila ng pagtanggi ng aktor ay hindi pa rin namamatay ang isyung nag-uugnay sa kanila.


TOGETHER IN LAS VEGAS? Ilang araw bago ang laban ni Manny Pacquaio kay Floyd Mayweather Jr., may mga kumalat na balitang magkasama diumano sina Cesar at Sandra na lumipad patungong Las Vegas, Nevada.

Ayon pa sa mga ulat, manonood daw ang rumored couple ng tinaguriang 'fight of the century" nina Manny at Floyd sa Las Vegas, na ginanap noong May 2 (May 3 sa Pilipinas).

Noong May 1, parehong nag-post sa kani-kanilang Instagram accounts sina Cesar at Sandra ng mga larawan nila kasama si Manny.

Pero wala silang larawang magkasama.

Sabi ni Cesar sa kanyang post: “Jogging with PACMAN in LA last week.”

Caption naman ni Sandra sa kanyang post: “My amazing view during Manny's intensive training in L.A. #MayPac #ApldeAp #Pacquiao

My amazing view during Manny's intensive training in L.A. #MayPac #ApldeAp #Pacquiao

A photo posted by Sandra Seifert (@sandraseifert) onApr 30, 2015 at 3:47pm PDT

Kapansin-pansing sa posts nina Cesar at Sandra ay pareho ang training suit na suot ni Manny, kaya posibleng sa parehong okasyon o araw kinunan ang mga larawang ito.

May isa pang post si Sandra na kasama niya mismo ang Pambansang Kamao:

IS SANDRA PREGNANT? Kaugnay pa rin ng pagkaka-link kina Cesar at Sandra, may kumakalat ding balitang buntis diumano ngayon ang beauty queen at ang aktor ang ama.

Ayon pa sa mga usap-usapan, pagkatapos manood ng laban nina Pacquiao at Mayweather sa Las Vegas, tutuloy raw sina Cesar at Sandra sa Italy—kung saan daw nakatira ang isang kapatid ng aktor—para doon na manganak ang beauty queen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, maliban kay Sandra, usap-usapan ding may isa pa raw nabuntis si Cesar.

Ayon sa post sa Instagram ng isang "@dominion21", modelo raw ang isa pang nabuntis ng aktor.

A photo posted by @dominion21 onApr 23, 2015 at 6:05pm PDT

Komento naman ni @butterfinger00000 tungkol dito: “From a reliable source po. Totoong buntis ang dalawang babae. Si Sandra ay sa kapatid ni cesar sa Italy manganganak. Kasama sya ni Cesar sa US ngayon at didirecho sila pa Europe. @dominion21 @ana.stacia15 @teamsunshinecruz"

Marami ring sightings na magkasama sina Cesar at Sandra na ipinost ng naturang Instagram user sa kanyang account.

Bagamat hiwalay na si Cesar sa kanyang misis na si Sunshine Cruz, hindi pa naa-annul ang kanilang kasal.

Nagpaabot na ang PEP.ph (Philippine Entertainmenty Portal) ng mensahe sa manager ni Cesar, sa pamamagitan ng text, at kay Sandra, sa pamamagitan ng direct messaging sa Instagram, pero hanggang ngayon ay hindi pa sila sumasagot sa aming mga katanungan.

Sa kabila nito, mananatiling bukas ang PEP sa panig nina Cesar at Sandra tungkol sa kinasasangkutan nilang isyu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN