Dino Guevarra happy for soon-to-be-dad Dingdong Dantes

Dino Guevarra says he’s happy for his longtime friend, father-to-be Dingdong Dantes: "’Yan ang maganda kay Dingdong, maayos siya."


Masaya si Dino Guevarra para sa kabarkada niyang si Dingdong Dantes na magiging ama na ito sa unang supling nila ng asawang si Marian Rivera.

Sina Dino at Dingdong ay matagal nang magkaibigan, na nagsimula noong sila ay kapwa miyembro pa ng Abztract Dancers noong 1990s.

Mula sa pagiging dancer ay pareho silang nadiskubre hanggang sumikat bilang artista sa pamamagitan ng youth-oriented show ng GMA Network na T.G.I.S.

Nang lumayo muna siya sa showbiz at sinubukan ni Dino ang pagnenegosyo, habang si Dingdong naman ay nagpatuloy sa kanyang movie at TV career.

Sa buong panahon na ito ay hindi naputol ang kanilang pagkakaibigan, at hindi nawalan ng komunikasyon sa isa't isa.

Sabi ni Dino sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol kay Dingdong, "Oo, nabalitaan ko nga.

"I'm happy kasi magiging dad na si Dingdong.

"I'm sure he'll gonna be the best dad that he can be.

“Magiging magaling na ama si Dingdong, long overdue na 'yan sa kanya.

"I mean, alam na niya ang ginagawa niya diyan, at magiging good dad 'yan at good mom si Marian."

Natututuwa nga raw siya na talagang maayos ang takbo ng buhay ng kanyang kaibigan, mula pa noong nagsimula sila sa showbiz.

Saad ni Dino, "A, oo, 'yan ang maganda kay Dingdong, maayos siya, nakaano 'yan sa kanya.

"Sabi ko sa kanya, 'Kaya ikaw ang nandiyan, kasi ikaw ang may focus. Nandiyan ang gusto mo, e. Diyan ka naka-focus.'

"Once kasi inilagay mo diyan ang focus, kinuha mo kay Lord, dun ka Niya ilalagay.

"Pero 'pag nakikita naman ni Lord na hindi mo gusto 'yan, ililinya ka Niya dun sa dapat ilinya, ganun yun."

Nakausap ng PEP si Dino sa grand opening at blessing ng The Beauty Darn, sa Timog Avenue, Quezon City, noong Biyernes, May 1.

Ang The Beauty Darn ay pag-aari ng misis niyang si Karen Gabriel at isang business partner nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


NOT FOR HIM. Sa kaso ni Dino, kahit ilang beses na siyang nabigyan ng pagkakataong sumikat sa showbiz ay mukhang hindi talaga ito para sa kanya.

Noong kapanahunan niya ay tinilian siya bilang teen actor, at nanalo pa bilang grand champion ng 30 Days, isang reality-based show ng GMA noong 2004.

Pagbabalik-tanaw ng 35-year-old actor, "Nung bumagsak ako sa showbiz, ang learning ko is basically it.

"Dapat nakinig talaga ako sa manager ko nun, kay Nanay Dolor [Guevarra].

“Na wala talaga sa loveteam na ang lalaki ay sumisikat, talagang lagi ang babae.

"Nun pa naman, gusto na niya akong i-guide na, 'Medyo hiwalay ka muna diyan. Make your own ano, para makilala ka as Dino Guevarra.'

"Pero siyempre, alam niyo na medyo naging pasaway tayo, na-in love ako, kaya hindi ako naano ni Nanay Dolor."

Ang tinutukoy ni Dino ay ang loveteam nila noon ni Kim delos Santos, na nakarelasyon niya rin sa totoong buhay.

Kaya may payo raw si Dino sa mga baguhang artista, lalung-lalo na ang mga sikat at tinatangkilik ngayon ng mga tagahanga.

Aniya, "You listen to the more experienced, lalo na ang managers nila.

"Kayo, mga press, na nakakaalam din.

"Kaya makinig talaga sila dun sa mas nakakaalam."

Dagdag pa ni Dino, "Sayang nga, e. Ang dami kong shows nun, e.

"Ang nangyari kasi, yun ang panahong nagkaroon ako ng paglilihis ng landas.

“E, di siyempre, nasira ako dahil... alam niyo naman ang landas na yun kung saan ako napunta.

"So, yun, ganun naman talaga sa industriya natin.

"Kapag hindi ka na nakikita ng isang producer o ng isang kumpanya na saleable, siyempre meron ding dumarating na bago, dun sila magpo-focus."


REDEEMED. May panghihinayang ba o pagsisisi sa mga nawalang oportunidad sa kanya?

Pag-amin ni Dino, "Siyempre naman, napaka-plastic naman kung sasabihin kong wala.

"Pero siguro, gusto din naman yun ni God, para malinya ako sa tamang daan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Maturuan Niya ako ng mga experience na hindi ko pa naranasan, like business.

"I've done so many businesses din na nag-flop, nalugi.

"Ang daming pagsubok, ilang milyon din ang in-invest namin.

“Tapos meron kaming brand new na bahay na dumating sa puntong kailangan kong ibenta.

"Pero sa tulong na rin ni God, nailagay sa tama ang lahat, na-guide Niya ako.

“At nakakilala ako ng mga positibong tao."

Si Dino ay isang real estate broker at nasa buy-and-sell business ng mga kotse, at magsisimula na rin daw ang kanyang solar panel business.

Maliban dito, hindi pa rin naman tuluyang iniiwan ni Dino ang pag-arte. Bahagi siya ng GMA afternoon soap na Healing Hearts, na magsisimulang mapanood sa May 11.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN