Kris Bernal denies being anorexic: "Hindi talaga ako tumataba. Never naman akong tumaba."

Sabi ni Kris Bernal, huwag daw mag-alala ang kanyang mga tagahanga na nagtataka sa kanyang kapayatan dahil normal daw ito sa kanya. Never din nman daw siyang tumaba.


Nagsalita na si Kris Bernal tungkol sa maraming nangba-bash sa kanya dahil sa kanyang kapayatan.

Aminado naman ang Kapuso actress na namayat talaga siya dahil nag-e-enjoy siya sa kanyang ginagawang workout.

Saad ni Kris, “Andami ko ngang bashers, ‘no?

"And hindi siya usual sa akin na I get 1,000 followers in a week, kasi usually, ang tagal ko ring makakuha ng followers, e.

“Tapos, napi-feel ko na parang naging interesting yung IG ko kasi nakikita nila na parang iba-iba yung mga pinu-post ko.

“Yun nga, the usual comment I really hear is, I’m sick, I’m anorexic... Hindi na daw ako kumakain, mukha na daw akong buto’t balat.

“Ganun talaga yung usually na nakikita kong comments.

“Ang sa akin naman, first, hindi talaga ako tumataba. Never naman akong tumaba.

"Nagkalaman ako before, pero maybe it’s because I don’t have any workout at all.

“Bate, e... hindi ko pa naiisip 'yang mga fitness, hindi ko pa naiisip yung mga healthy lifestyle.

"So, ngayon siguro, dun ko lang natutong mahalin or parang i-try ko kayang mag-workout at i-tone yung katawan ko.

“Naging conscious na rin ako dahil hindi naman puwedeng lagi na lang bata yung katawan ko.”

Sa ngayon daw, ang pinagtutunang pagandahin ni Kris ay ang kanyang balikat, balakang, at puwet.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Kris sa pocket interview nito last Thursday, April 30, sa Ruby room ng Lenox Hotel, Dagupan City, Pangasinan.

Isa si Kris sa mga nagbigay ng kasiyahan sa ginanap na Kapuso Night ng GMA sa Bangusan Street Party, bilang bahagi ng Bangus Festival.

“MAS NAGING CONFIDENT AKO...” Sa tingin ba ni Kris ay maganda para sa kanya ang sobrang kapayatan? Okay na ba siya sa hubog ng kanyang katawan ngayon?

Sagot niya, “Ako, sa totoo lang, parang mas naging confident ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mas nagiging confident ako, kasi whatever na ipasuot sa akin ngayon, like gusto man nilang kita ang tiyan, or kung gusto man nila ang whatever, or pakita ng kaunting skin, mas confident ako ngayon.

"Kasi, alam kong kaya ko. Alam kong handa ako.

“Pero hindi talaga ako nagpapapayat, bale nagwu-workout lang talaga ako.”

Patuloy pa rin daw siyang kumakain ng mga paborito niyang pagkain.


LOVELIFE. Natawa naman ang 25-year-old StarStruck alumna nang matanong tungkol sa kanyang lovelife.

Sambit niya, “Wala akong lovelife.”

Ang huling naging boyfriend ni Kris ay si Carl Guevara.

Napagod na ba ang puso ni Kris kaya hindi muna niya iniisip na magkaroon ng karelasyon?

Sabi niya, “Hindi naman napagod, kaso ngayon, very cautious na ako, e, very careful.

"So, kapag may manliligaw, kapag hindi ko naman type, hindi ko na pinipilit.

“Hindi na ako yung tipong magpi-fling, puppy love.

"Gusto ko 'pag magka-boyfriend ako, ito na yung gusto kong makasama for the rest of my life.

"Ganun na yung tingin ko ngayon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN