Angel Locsin criticized for her ‘racist’ tweet against Floyd Mayweather Jr.

Idinepensa ni Angel Locsin ang sinasabing ‘racist’ tweet daw niya laban sa American boxer na si Floyd Mayweather Jr. Sabi ng Kapamilya actress, “Kung fair ang skin at sinabihan ko ng ’lugi tayo at hindi makita ang an-an niya sa sobrang puti,’ racist comment rin? Baka kayo ang may issue.”


Kasalukuyang binabatikos ang Kapamilya actress na si Angel Locsin dahil daw sa kanyang ‘racist’ tweet laban sa American boxer na si Floyd Mayweather Jr.

Bilang kapwa-Pilipino, hindi naiwasan ni Angel na ipahayag ang kanyang saloobin tungkol sa naging resulta ng laban ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao at ni Mayweather sa MGM Grand Arena, sa Las Vegas, Nevada, noong May 2 (May 3 sa Pilipinas).

Nanalo si Mayweather via unanimous decision.

Read: Floyd Mayweather stays unbeaten, beats Manny Pacquiao by unanimous decision

Marami ring Pinoy celebrities ang nakisimpatiya sa pagkatalo ni Pacman laban kay Floyd, pero tila nasentro ang atensiyon ng ilan sa Twitter post ni Angel noong May 3:

Kaagad namang nagkomento ang ilang followers ni Angel sa tweet niyang ito.

Ang ilan ay nakisang-ayon sa kanya, pero ang iba ay sinita si Angel dahil daw nilait nito ang kulay ni Mayweather.

Narito ang ilan sa kanilang tweets:

Sagot naman ni Angel sa mga komentong ito:

"SORRY SA HARSH TWEETS." Sa kasunod na tweet ni Angel ay medyo kumalma na siya at nag-sorry sa aniya'y masakit niyang nasabi.

Sabi pa niya:

BELOW THE BELT? Dinumog din ng mga komento ang Instagram post ni Angel bago pa ang laban nina Pacquiao at Mayweather dahil sa kanyang Twitter post.

Dito na nakipagpalitan ng salita ang aktres sa kanyang followers.

PACMAAAAN!!! Upakan mo yan, please. Personal na ang galit ko dyaaaan!😌 @mannypacquiao #TeamPacquiao #oneforpacman

A photo posted by Angel Locsin (@therealangellocsin) onMay 2, 2015 at 5:52pm PDT


Ayon kay @nini2903: "Below the belt ang comment nya, alam nyo yun. Magugustuhan ba nya kung siya rin lalaitin ngipin nya o yung tatay nya o mahal nya sa buhay? Umiidolo kayo at nabubulagan. Walang perpekto tama kaya wala karapatan manlait lalo na sa physical appearance dahil bigay ng Diyos yan. Pero ang ugali, ikaw na yun."


Kaagad naman itong sinagot ni Angel: "@nini2903 nakakahiya naman sa 'yo ate. Kung may mga tao na kagaya mo na mahilig maglagay ng malisya sa opinion ng ibang tao, baka ho kayo ang may problema."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Sagot ng naturang follower: "Okay lang magbiro not at the expense of others. Sa palagay mo hindi insecure yung lalaki sa ngipin nya? Tapos ira-rub in mo pa sa national TV."


Sabi pa ni @nini2903 sa fans ni Angel: "Wala ho ako problema. Nagko-comment lang. Alam ko naman ipagtatanggol nyo sya kahit hindi maganda ang sinabi nya."


Tugon dito ni Angel: "@nini2903 I'll quote you ate ha? so okay lang mag comment at the expense of others? Tapos irarub in mo pa sa account ko? See ate? Hindi rin po maganda yang ginagawa nyo :)"


Sagot ni @nini2903: "Hindi ako basher. Hindi ako hater. You can be defensive Ms Locsin. I understand. But you have fans who are kids. You have great influence on them. That is my point.


"Hindi ako nagmamalinis pero hindi ako public figure. I obviously have no influence on people and i have no fans who idolize me and follow my every move. Yun lang."


Tugon dito ni Angel: "@nini2903 kung nasusubaybayan nyo naman ho ang buhay ko, baka ho may idea kayo kung paano ko ho pahalagaan ang ibang tao. importante po sa akin ang credibility at prinsipyo.


"I apologize if you think my comment is offensive, but I can honestly say na kayo lang ho ang may malisya.


"Maybe you are right na hindi po kayo public figure at wala hong fans, pero I believe na pare-pareho lang ho tayo at dapat rin ho maging responsible rin po kayo sa mga comments nyo since marami hong nakakabasa ng mga accusations nyo sa account ko ho.


"Anyway, mukha naman ho kayong mabait, impulsive lang like me. Let's just forgive each other and move on na."


Mensahe naman niya sa kanyang fans: "Hayaan nyo na guys. Thank you at hindi ko na kailangan pang ipaliwanag ang sarili ko sa inyo. Salamat at hindi kayo judgemental na tao hehe."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN