Marjorie Barretto, dad Miguel now on good terms; Marjorie still at odds with Gretchen?

Nagkaroon ng pagkakataon si Marjorie Barretto na maka-bonding ang amang si Miguel sa viewing party ng laban nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr. na ginanap sa bahay ng aktres noong Linggo, May 3.


Tila tuluy-tuloy na ang panunumbalik ng magandang samahan sa pagitan ni Marjorie Barretto at ng kanyang ama na si Miguel Barretto.

Ito ay sa kadahilanang nasundan ang pagkikita at pagkakaayos nila sa 18thbirthday ni Julia noong March 10.

Base sa Instagram post ni Marjorie noong Linggo, May 3, nakasama niya ang ama na manood ng laban nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr. sa bahay ng dating aktres sa pamamagitan ng pay-per-view live coverage.

Hindi malinaw kung dumating din ang misis ni Miguel na si Estrella "Inday" Barretto at bunsong anak na si Claudine dahil walang nabanggit si Marjorie tungkol dito.

Gayunman, kapansin-pansing masaya si Miguel sa pagkikita nila ni Marjorie, lalo pa’t viewing party ito ng laban ng Pambansang Kamao.

Sabi ni Marjorie sa caption ng ibinihagi niyang larawan ng ama noong araw na iyon: “My dad is ready!!! Even wearing a Manny Pacquiao shirt.”

Kasabay nito ay bumuhos ang mensahe ng Instagram followers ni Marjorie na nagsasabing masaya sila na nagkaayos na ang mag-ama pagkatapos ng humigit-kumulang dalawang taon na ‘di pagkakaunawaan.

My Dad is ready!!! Even wearing a Manny Pacquiao shirt👊

A photo posted by marjbarretto (@marjbarretto) onMay 2, 2015 at 8:12pm PDT


LONGSTANDING RIFT. Taong 2013 nang magsimula ang hidwaan ng magkakapatid na Gretchen, Marjorie, at Claudine.

Lumala ito nang madawit sina Gretchen at Marjorie sa legal battle ni Claudine at ng estranged husband nitong si Raymart Santiago.

Kaugnay ito ng pagtestigo nina Gretchen at Marjorie sa counter-affidavit na isinumite ni Raymart bilang sagot sa Permanent Protection Order complaint ni Claudine.

Dismayado si Miguel kina Gretchen at Marjorie dahil sa paniniwalang tinalikuran ng mga ito ang pamilya Barretto dahil sa pagkampi nila kay Raymart.

Sabi pa noon ni Miguel patungkol kina Gretchen at Marjorie: “Pero kung ikinahihiya nila ang Barretto'ng pangalan, huwag na nila gamitin. Magpalit sila.”

RECONCILIATION. Ngunit tila natuldukan na ang samaan ng loob sa pagitan ni Miguel at anak niyang si Marjorie mula nang mabuksan ang komunikasyon sa pagitan ng huli at nakababata nitong kapatid na si Claudine via Instagram noong Pebrero.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Are Marjorie and daughter Julia reaching out to Claudine Barretto?

Pagkatapos nito ay nagkaroon ng pagkakataong personal na makaharap ni Marjorie si Claudine at kanilang mga magulang sa 18thbirthday ni Julia.

Read: Sisters Claudine and Marjorie Barretto reunite at Julia's debut party


GRETCHEN, MARJORIE’S FALLING OUT. Samantala, nagkaroon din ng sariling viewing party si Gretchen Barretto sa isang restaurant sa Makati, kasama ng ilang malalapit na kaibigan tulad ng mag-amang Albert at Alyssa Martinez.

Base ito sa ibinahaging larawan ni Gretchen sa kanyang Instagram noong Linggo, May 3.

Sa ngayon, tila patuloy pa rin ang “silent war” sa pagitan nina Gretchen at Marjorie na nagsimula noong huling bahagi ng 2014.

Pinaniniwalaang nag-ugat ito sa pagtatampo ni Marjorie mula nang mag-post sa Instagram si Gretchen ng mga papuri kay Liza Soberano.

Gayong diumano’y itinuturing si Liza na karibal ng anak ni Marjorie na si Julia pagdating sa Kapamilya teen actresses na ginu-groom bilang next top leading ladies sa ABS-CBN.

Read: FIRST READ ON PEP. Gretchen Barretto confirms silent war with sister Marjorie: “At least, it’s silent!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN