Sisters Claudine and Marjorie Barretto reunite at Julia’s debut party

Captured moment of sisters Marjorie and Claudine Barretto, which indicates their reconciliation after more than a year of misunderstanding.


Katulad ng inaasahan, muling nakitang magkasama ang magkapatid na Marjorie at Claudine Barretto sa debut party ng dalagang anak ni Marjorie na si Julia Barretto ngayong Martes ng gabi, March 10.

Mabilis na na-repost sa social media ang larawang kuha ng Mychos.com, kung saan magkasama ang magkapatid na matagal nang hindi nagkakausap dahil sa alitan sa kanilang pamilya.

Ilang araw bago ang debut ni Julia ay may pahiwatig na sina Marjorie at Claudine na bukas na sila sa pakikipagbati sa pamamagitan din ng social media.

Read: Are Marjorie and daughter Julia reaching out to Claudine Barretto?

Read: Claudine Barretto posts photos of son Santino and Marjorie’s son Leon; tags Julia Barretto

Taong 2013 nang nagsimula ang hidwaan ng magkakapatid na Gretchen, Marjorie, at Claudine.

Nadawit kasi ang pangalan nina Gretchen at Marjorie sa affidavit na ginawa noon ni Claudine para sa Permanent Protection Order (PPO) na inihain nito laban sa asawang si Raymart Santiago.

Dahil dito, napilitan na tumestigo sina Gretchen at Marjorie laban sa kanilang bunsong kapatid.

Naging sanhi rin ito ng palitan ng masasakit na salita laban sa isa't isa, kung saan nadamay rin ang kanilang mga magulang na sina Miguel at Estrella Barretto.

Read: Gretchen Barretto on testifying against sister Claudine: "I did not betray her."

Sa kabila nito, tila nakipag-ayos na rin si Marjorie sa kanyang mga magulang, base sa larawang ito na mabilis ding kumalat sa social media.

Samantala, bagamat personal na inimbitahan ni Julia, hindi nakadalo sa kanyang debut si Gretchen—na siya namang kaalitan ngayon ni Marjorie—dahil pumunta ito sa London para bisitahin ang anak na si Dominique Cojuangco.

Gayunman, nagbigay ng espesyal na pagbati si Dominique para sa pinsan niyang si Julia.

Isa itong patunay na sa kabila ng “silent war” ng kanilang mga ina ay mabuti pa rin ang kanilang relasyon bilang magpinsan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Dominique Cojuangco and mom Gretchen Barretto not attending Julia Barretto's debut party


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN