Dominic Roco reveals reason why his friendship with JM de Guzman was destroyed

Dominic Roco on staying away from JM de Guzman: “We thought it would be best if we wouldn’t be magkasama. Kasi, every time na magsama kami, nothing good comes out. Everyone thinks na we’re such a bad influence. And it’s not just with JM, it happened to me numerous times already.”


Inamin ng Kapuso actor na si Dominic Roco na malaki na ang pinagbago ng friendship nila ng Kapamilya actor na si JM de Guzman.

Dating close si Dominic at ang kakambal niyang si Felix Roco kay JM, pero mula nang nawala hanggang sa makabalik sa sirkulasyon si JM ay hindi na raw sila nagkita.

Matatandaang nawala si JM sa sirkulasyon dahil aminado siyang pumasok sa rehab dahil sa substance abuse.

Pero masaya raw si Dominic na nakabalik na si JM.

“Good for him,” sambit niya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Bakit hindi na nanumbalik ang friendship nila?

“Mostly because of the issues,” pag-amin ni Dominic.

Ang tinutukoy niya ay ang paratang na bad influence diumano sila ni Felix kay JM.

Nasaktan talaga siya sa ibinatong isyu na bad influence silang magkapatid kay JM?

“Oo naman, oo naman,” pag-amin niya.

Si JM ba ang lumayo o sila ni Felix?

Sagot ni Dominic, “Yeah, kami na rin ang lumayo.

“We thought it would be best if we wouldn’t be magkasama.

“Kasi, every time na magsama kami, nothing good comes out. Everyone thinks na we’re such a bad influence.

“And it’s not just with JM, it happened to me numerous times already.”

Sa ibang mga naging kaibigan din niya?

“Yeah,” pag-amin ni Dominic.

“So, we made a decision that it’s best for all of us not to see each other para wala nang masabi ang kung sinuman, which destroyed the friendship.”

Sa parte ni JM, wala ba itong effort na makipagkita o makipag-usap sa kanila pagkatapos nitong maging aktibo muli sa showbiz?

“Meron,” sagot ni Dominic.

Hindi lang nila tinutugunan?

“Yeah,” maikling sagot niya.

NOT LIKE BEFORE. Hindi ba siya nanghinayang sa pagkakaibigan nila noon, mga pinagsamahan nila?

Ayon kay Dominic, “Siyempre, nanghinayang.

“Ever since naman, ang tagal-tagal kong sinasabi na I look up to JM, lalo na sa pag-arte niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sila JM naman talaga ang dahilan kung bakit ako nag-indie.

“Sila ang nagbukas ng pintuan sa akin.

“So, JM would be a big part of my life, mostly of my career.”

Paano kung magkita sila?

“I don’t know… ‘pag nagkita kami, where do we start? I don’t know, e.

“Hindi naman deadmahan but it won’t be like before, that’s for sure.”

Pero idiniin din ni Dominic na naka-move on na siya sa mga naging isyu nila ni JM noon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN