Dominic Roco not looking for love despite being loveless for four years

Dominic Roco on his ideal girlfriend: "Laid back lang, yung hindi gimikera. It doesn’t matter, showbiz or non-showbiz, as long as we have the same personality."


Apat na taon nang walang girlfriend si Dominic Roco pero hindi naman daw siya naghahanap ng bagong mamahalin.

“Ewan ko, hindi ko naman talaga hinahanap. Iilan pa lang naman ang naging girlfriend ko, e,” sabi ng Kapuso actor nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Healing Hearts noong nakaraang linggo.

Kung magkakaroon daw siya ulit ng girlfriend, gusto niya ay ito na ang kanyang mapangasawa.

“Sa ngayon kasi, wala pa naman talaga akong hinahanap.

“Lumalabas naman ako, but I just enjoy going out. I don’t look for love.

“Ang pag-ibig, darating na lang kapag hindi mo hinahanap, which is true.

“Dati, gustung-gusto kong magka-girlfriend. Parang ang dali lang.

“At kapag na-realize mo na you’re in a relationship and you take things seriously, iba, e.

“Ewan ko, feeling ko, I matured early, so I didn’t want…

“For example, if I have a girlfriend, I want it to be special talaga. I don’t want it to be a fling.”

Sa apat na taon na wala siyang karelasyon, wala man lang siyang nakitang posible niyang ligawan o magustuhan?

“Hindi sa niligawan, meron akong… I went out with few people.

“Pero wala… it just turned out na hindi… hindi pa talaga.

“Bata pa naman ako!” natawang sabi ng 26-year-old actor.

Sa mga nakakatrabaho niya, wala siyang nagugustuhan?

Sagot ni Dominic, “Sa mga nakakatrabaho ko sa ngayon, wala, kasi puro mga bata.”

YOUNGER LOVE INTEREST. Sa Healing Hearts ay ka-love tiringle siya nina Joyce Ching at Kristoffer Martin.

Sa totong buhay ay ayaw raw ni Dominic ng medyo batang karelasyon, pero sa teleserye ay ang 20-anyos na si Joyce ang love interest niya.

“Nagulat nga rin ako!” bulalas niya.

“Noong nalaman ko, first day, taping day. ‘Okey, ano ang role ko?’

“Pumasok ang character ko, week seven na. Wala akong kaalam-alam sa background ng character nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“First taping day ko, noong binabasa ko ang script, parang it’s leading toward loveteam with Joyce Ching.

“Tinext ko sa handler ko, ‘Ate Dianne, sigurado ba kayo?’ Parang teens pa sila, ‘di ba?

“Parang ako, nagulat lang ako na, yun nga.

“Pero nakaka-five taping days na ako with them, okey naman.”

Sinasabi ba niyang hindi siya magkakagusto sa mas bata sa kanya?

Sagot ni Dominic, “Hindi ko masasabi.

“Hindi ko masasabi that I can’t see myself falling in love with a younger girl, it could happen.

"Pero ngayon... well, hindi ko talaga masasabi. It could be older, it could be younger."

Ano ba ang mga katangiang hinahanap niya sa isang babae?

Sagot niya, “Laid back lang, yung hindi gimikera.

"It doesn’t matter, showbiz or non-showbiz, as long as we have the same personality."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN