Ritz Azul understands TV5’s decision to take a break from making drama projects

Ritz Azul admits that she misses doing drama projects. She said, “Medyo natagal, actually, sa drama… sa TV5 nahinto ako ng more than a year. So, nagpapasalamat din ako dahil nagkaroon din ako ng Cinemalaya nung 2014. Kaya nagkaroon din ako ng drama kahit papa’no. Kasi I love drama rin, e...”


Ang For Love or Money ang huling drama project ni Ritz Azul sa TV5. Ipinalabas ito noon pang 2013.

Hindi naman daw nagtatampo si Ritz sa kanyang mother network, ngunit aminado ang young actress na medyo matagal na ang paghihintay niya para sa panibagong drama project.

Aniya, “Naiintindihan ko naman ang TV5 na gusto nila maging happy network, na wala munang drama.

“Yun lang medyo, natagalan lang ako sa proseso na, ako, wala akong drama series.

“Nag-hang siya dun sa For Love or Money.

"Pero napag-uusapan naman na siya ngayon.

“Maraming meetings na nangyari sa amin and nakikita ko na maraming plano ang TV5 for us.”

Dagdag pa niya, “Actually, sa drama… sa TV5, nahinto ako ng more than a year.

“So, nagpapasalamat ako dahil nagkaroon din ako ng Cinemalaya nung 2014. Kaya nagkaroon din ako ng drama kahit papa'no.

"Kasi I love drama rin, e."

Pero ngayon, parehong comedy ang dalawang proyekto ni Ritz na sa TV5—ang gag show na Tropa Mo Ko Unli Spoof at ang sitcom na Two and a Half Daddies.

Ani Ritz, “Sa TV5 pa rin naman ako. Ang kontrata ko, hanggang 2016 pa, January.

“Pumasok ako sa Season 2 [ng Two and a Half Daddies] with the Padilla brothers."

Itinuturing ni Ritz na isang malaking challenge bilang artista ang makapagpatawa bukod sa makapagpaiyak.

“I think sa isang artista, para maging magaling siya, kailangan din niya gumawa ng comedy.

“Kasi isa rin sa pinakamahirap gawin yung magpatawa.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ritz sa viewing party ng TV5 sa Boracay nitong May 2, para sa laban nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr.

Magsisimula na ring gumawa muli ng drama series ang Kapatid network sa pamamagitan ng Pinoy version ng hit Koreanovela na Baker King, na pagbibidahan nina Mark Neumann at Shaira Mae dela Cruz.

Sabi ni Ritz, “Papasok na ang mga serye ngayon, uumpisahan nga sa Baker King.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And sunud-sunod na yun, magkakaroon na ng drama din."

Ibinahagi ni Ritz na mayroon nang nakaplanong proyekto ang TV5 para sa kanya para sa taong ito.

“May sinabi na sa akin, pero 'di pa puwedeng sabihin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN