Sweethearts Lovi Poe and Rocco Nacino unsure if they’ll end up together

Kahit nagmamahalan ang magkasintahang sina Rocco Nacino at Lovi Poe, hindi nila pinangungunahan ang mga baga-bagay. Hindi raw nila masasabi sa ngayon kung sila ang magkakatuluyan balang-araw.


Lagpas isang taon na ang relasyon ng magkasintahang sina Lovi Poe at Rocco Nacino, pero hindi pa raw nila napag-uusapan ang tungkol sa pagpapakasal.

Sabi ni Lovi, “No.”

Sambit naman ni Rocco, “Marriage? Batang-bata pa kami, e.”

Dagdag pa ni Lovi, “No, e, parang ano lang kami… I think what’s good about us is we’re not pressuring each other to anything.

“Parang we’re just enjoying anything what we have now.”

Kahit napagkuwentuhan man lang nila?

Tugon ng Kapuso actress, “Ano kasi, e, after kuwento leads to something else, e.

"So, parang it’s a topic that we avoid siguro."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media mula sa Maynila ang Kapuso couple sa pocket presscon na inihanda ng GMA Corporate Communications para sa kanila noong Biyernes, May 1.

Ginanap ang presscon sa Lenox Hotel conference room sa Dagupan City, bago ang guest appearance nila sa Kapuso Night sa Lingayen at Dagupan, kaugnay ng idinaraos na Bangus Festival sa Pangasinan.

UNSURE ABOUT ENDING UP TOGETHER? Pero nakikita ba nilang sila ang magkakatuluyan?

Sabi ni Lovi, “I see naman all of the good things naman.”

Singit ni Rocco, “Mahirap kasi pangunahan ang mga ganyang bagay, e.”

Dagdag pa ni Lovi, “But he’s a good man.”

Litanya naman ng isang editor na kasama ng PEP: “Second time na naming narinig ‘yang linyang mahirap pangunahan ang mga bagay-bagay.”

Ito rin kasi ang sagot ni Tom Rodriguez nang matanong tungkol naman sa kanila ni Carla Abellana.

Isa rin si Tom sa naging guests sa Kapuso Night na ginanap noong April 30.

Giit naman ni Rocco, “Well, expected na yung mga ganyang answer kasi it’s a question na hindi talaga masasagot agad-agad.

"I can’t confirm, we can’t confirm anything."

Ayon naman kay Lovi, “Well, kami… everything’s unsure.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi parang when it comes to love, nothing is… hindi naman…

"I think you have to enjoy it on a day-to-day basis.

“Parang, for you to appreciate it more, in my own opinion, kasi if you push it too hard, parang it leads to a wrong… feeling ko lang. My opinion.”

Dagdag pa ni Rocco, “Parang marami pang surprises na darating.

"Marami pang, in terms of knowing each other more, so mahabang-mahaba pa proseso."

MAGKASAWAAN? Dahil palagi silang magkasama, hindi ba sila natatakot magkasawaan?

Sagot ni Lovi, “Well, it’s really up to the couple, e.

"Ako, for me, at some point, love is not just a feeling, it will become a choice.

“Realistic ako sa mga ganyang bagay.

"At some point, you’re always gonna love your partner, for me.

"I mean, you’re not gonna be in love, but it’s your choice to love the person.

“Love becomes a choice.”

Dagdag pa ng Kapuso actress, “For me, it's important that you guys are friends.

"Kasi we were friends for a long time kaya hindi kami nagkasawaan.

"We’re not super cheesy, hindi kami mag-boyfriend lang, parang magkaibigan lang kami."

Patuloy ni Rocco, “Hindi kasi kami nag-jump into sa relationship agad, e. Nauna muna yung friendship.

"So that's what nice about it.

“Maganda yung foundation. Mas deep yung relationship so mas masaya.

“Ako, na-realize ko how much of a clown I can be when I’m with her.

"Na hindi ako nahiyang magmukhang tanga para lang siya matawa. Hindi naman ako ganun dati.”

Nag-aaway man daw sila, pero nagkakaayos din sila kaagad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN