Kristoffer Martin clarifies relationship with non-showbiz girl after breakup with Joyce Ching was not just a fling

Kristoffer Martin and ex-girlfriend Joyce Ching may or may not get back together again, but the sure thing is, their loveteam is alive and well in the new GMA afternoon series Healing Hearts.


“Pass, pass!” ang natatawang sagot ni Kristoffer Martin nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa non-showbiz girlfriend niya pagkatapos nilang mag-break ni Joyce Ching.

Pero dagdag din ng Kapuso young actor, “Hindi, ano lang... siguro ano, sa school lang yun, sa school lang.

“Siguro nagka-thing lang, nagka-thing.”

Pero hindi raw ito fling lang.

“Thing…. parang ang fling, landi-landi lang. Kumbaga, iba pa.”

So, ano yung “thing” na iyon?

“Basta! Another question po, please, tapos na yun!” at tumawa ulit ang binata.

Hindi flirting?

“Hindi naman. Hindi kasi ako pumapasok sa ganung klase.

"Kumbaga, may investment pa rin naman ng feelings."

So, may naka-mutual understanding siya sa school nila?

“Mga ganun.”

At ipinagtapat niya ito kay Joyce?

“Nasasabi, nakukuwento yung iba!” tawa na naman niya.


LONG TERM. Kahit break sila ni Joyce ay lumalabas sila “as friends.”

Kuwento pa ni Kristoffer, “Minsan nagkakayayaan din, ganyan-ganyan, walang kasama, so nagkakayayaan din naman.”

Minsan daw ay nakakasama rin nilang lumabas ang ibang tween stars ng GMA.

Ano ba ang pumipigil para magbalikan sila ni Joyce, lalo na't pareho naman silang loveless ngayon?

Paliwanag ng binata, “Siguro kung itutuloy namin kung anuman yung nasimulan namin, mas gusto naming papasok kami na mas mature na mag-isip.

“Mas iintindihin na yung isa’t isa, yung kaya nang gampanan yung demands ng isa’t isa, mga ganun.”

Hindi pa ba sila mature pareho?

Sagot niya, “Siguro pa-mature pa lang, kasi nag-start kami bata pa, e.

“Kumbaga, madami pang mga humahadlang… pag lalabas, kailangan may ganitong curfew, ganyan-ganyan.

“Hindi pa puwede yung pag may sakit, dadalaw-dalaw.

“Ang hinahanap ko na kasi sa relationship ngayon, if ever papasok ako o maghahanap man ako, wife material.

“Too young for my age, pero yung ganung thinking na kasi na parang gusto ko, kasi long-term, e.

“Kumbaga, kung mag-i-invest man ako ng feelings siguro, pangmatagalan na.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


MATURITY LEVEL. Hindi ba wife material si Joyce?

Paglilinaw ni Kristoffer, “Hindi naman, hindi naman iyon yung gusto kong sabihin.

“Kumbaga, tumagal din naman kami for three years.”

Twenty years old silang pareho ni Joyce, hindi pa ba sapat iyon for their maturity?

“Siguro yung edad namin, okay-okay lang.

“Pero in terms of maturity level ng pag-iisip, lahat parang... hindi pa kayang ibigay lahat, e.

“Kumbaga, pag relationship kasi, sa akin dapat selfless 'yan, e.

“Hindi naman sinasabing ibigay mo lahat, as long as magampanan mo yung responsibility mo bilang partner, iyon yung dapat.”

Wala pa mang balikan na nagaganap sa pagitan nina Kristoffer at Joyce, balik-tambalan naman sila sa Healing Hearts ng GMA na eere simula sa Lunes, May 11.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN