Gladys Reyes reminds Ruru Madrid about INC’s strict doctrine on courtship

Glady Reyes relates that she and husband Christopher Roxas started as childhood sweethearts, and he was only 16 when he converted in order to pursue her.


Miyembro ng Iglesia Ni Cristo (INC) ang aktres na si Gladys Reyes, pati na ang co-star niya sa Let The Love Begin na si Ruru Madrid.

Umuugong ang balitang may pagtingin diumano si Ruru sa leading lady nito sa kanilang teleserye na si Gabbi Garcia, na isang Katoliko.

Pero dahil magkaiba ng relihiyon ay hindi umaabot sa isang seryosong relasyon ang estado ng dalawa. Ito raw ang humahadlang sa pagmamahalan ng dalawa.

Ano ang opinyon ni Gladys tungkol dito?

Natatawang sabi ng aktres sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Pagmamahalan agad? Seventeen lang si Ruru!"

Pero dagdag niya rin, "Depende kay Gabbi yun."

Pagkatapos ay ipinaliwanag ni Gladys kung gaano kahalaga sa doktrina ng mga Iglesia kung sino ang dapat nilang mahalin.

“Kasi pareho kami ni Ruru na handog, sa pagkakaalam ko, ha.

“Ibig sabihin ng handog, since birth si Ruru na Iglesia.

“Isa talaga sa doctrine namin yun na, kung halimbawa talagang iyon ang napupusuan mo, kailangan eventually mag-convert.

“Kahit nagliligawan pa lang, kailangan at least converted na yung kung sino yung ina-attempt mo na ligawan.

“Ang explanation dun is, what if talagang na-develop, e, di mas mahihirapan ka pa, ‘di ba?

“Magkakasala ka pa na, e, wala, ayaw talang mag-convert, ‘tapos ikaw naman… mahahati pa yun.

“Dapat from the very start, alam ng liligawan mo… iyon nga, converted.”


Sa kaso ni Gladys at ng kanyang mister na si Christopher Roxas, ang aktor ang nagpa-convert sa INC.


KEEP PRAYING. Halimbawang humingi ng advice sa kanya si Ruru, ano ang maipapayo niya kung sakaling iibig ito sa isang hindi nila kapatid sa INC?

Saad ni Gladys, “Kasi, ‘di ba, lalo na kung yung age nila, ang dami-dami pang mangyayari sa buhay, ang dami mo pang makikilala.

“Hindi mo alam nga kung iyon na talaga, e.

“Pero iba kasi yung faith. When it’s faith, you cannot question that, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero kung you stand by your faith, it will lead you, it will guide you.

“You pray for it, yung tamang girlfriend, tamang makakasama sa buhay.

“Walang masamang ipanalangin mo lahat, e. Siya mismo ang magbibigay sa iyo ng tamang tao.

“Kasi ako, ever since, nung nakasama ko pa lang sa Mara Clara si Christopher, hindi ko alam kung too good to be true.

“I felt ito na yung taong gusto kong makasama habang buhay, pero pinanalangin ko.

“Pag mag-boyfriend, guarantee ba yun na kayo na ang magiging mag-asawa?

“Siyempre hindi.

"Pero since nagdesisyon akong maging boyfriend ito, e, first boyfriend, nag-pray ako.

“Sabi ko, ‘Ama, sana ito na! Kasi nararamdaman ko na ito na yung gusto kong makasama habang buhay.’

“I dunno, I was so young, pero I felt it na gusto ko na siyang makasama habambuhay.

“Hindi pa naman ito habang buhay talaga kasi ongoing pa ito, ‘di ba?

“Pero ibinigay niya hanggang nagkatuluyan kami, naging mag-asawa.

“Ibig sabihin, hindi too good to be true, puwede, possible.

“Anything is possible basta kay God, basta pinag-pray mo.

“Basta you’re in good faith, kasi nga malaking factor ang faith sa isang relationship.

“Hindi naman puwedeng sasamba ka, tapos yung isa, sa ibang church.

“At the end of the day, paano kayo magkakaunawaan, tapos paano yung mga magiging anak?”


STRICT UPBRINGING. Nakaka-relate daw si Gladys sa sitwasyon ni Ruru.

Mas bata pa nga raw sila ni Christopher nang magsimula ang kanilang love story.

Lahad ng aktres, “Kami childhood sweethearts, he was thirteen, fifteen ako.

“So, wala pa siyang eighteen years old nung mag-convert, sixteen lang yata siya.

“Pero ang kagandahan kay Christopher, hindi siya nag-convert lang because of me.

“Maaaring ako yung naging way, ako yung naging instrument. Pero nung eventually nakinig na siya…

“Si Christopher, very ano yun, e, nakikipag-debate talaga yun. Talagang kinukuwestiyon niya bawat ano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam mo ba, nagsakri-sakristan pa 'yan nung bata?

“Ang mga pamilya kasi niya, saradong-Katoliko, can you imagine?

“Lalo na yung magulang, hindi siyempre wholeheartedly na.. wala pang eighteen nga yung anak nila, ‘di ba?

“Pero kumbaga, nanindigan siya na, not just for me, eventually naintindihan niya yung doctrine.”

Ipinaalam ni Christopher na manliligaw siya kay Gladys?

“Ang father ko, may mga tungkulin, e... ewan ko kung familiar kayo, diakono na tinatawag sa Iglesia.

“So, siyempre very strict ang tatay ko, na bago ka makipag-boyfriend, dapat alam mo na kapatid din ‘yan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN