Thai national who called Filipinos “Pignoys” fired by employer, turned over to BI

Thai national Koko Narak, who called Filipinos "Pignoys," was turned over to the Bureau of Immigration by his employer and terminated his services.


Sinibak na sa tungkulin at nagpatupad ng disciplinary action ang business process outsourcing (BPO) company laban sa dati nitong empleyado, ang Thai national na si Kosin Prasertsri o mas kilala bilang si Koko Narak.

Ito ay matapos ginawang panlalait ni Narak sa mga Pilipino sa kanyang social media account kamakailan.

Three years nang naninirahan si Narak sa isang condominium unit sa Bonifacio Global City at nagtatrabaho sa BPO company na Cognizant Technology Solutions Philippines, Inc.

Sa pamamagitan ng kanyang social media accounts, inalipusta niya ang mga Pilipino; tinawag itong mga “Pignoys,” “stupid creatures,” ikinumpara sa ipis, at marami pang iba.

Matapos siyang batikusin ng netizens dahil sa kanyang posts, gumawa ng letter of apology si Narak noong May 4, Lunes.

Read: Thai national who insulted Filipinos apologizes

Nitong May 5, Martes, nag-post naman ang Cognizant Philippines sa kanilang Facebook account ng isang letter upang ipaalam sa publiko ang pagsibak nila kay Narak dahil sa mga pinagsasabi nito.

Bukod sa pagpapatupad ng disciplinary action sa Thai national, sinibak din siya sa kanyang tungkulin nitong Lunes, May 4, at nai-turnover siya sa Bureau of Immigration (BI).

Tiniyak din ng kumpanya na nakikipagtulungan sila sa iba't ibang ahensiya ng pamahalaan para agad na maresolbahan ang isyu.

Narito ang Facebook post ng BPO Company:

"Dear All,

Following contentious remarks made by Kosin Prasertsri on social media, Cognizant Technology Solutions Philippines, Inc. has taken disciplinary action against him and terminated his services with effect from May 4, 2015. He has been turned over to the Bureau of Immigration.

We continue to cooperate with the Bureau of Immigration, Embassy of Thailand, Philippine Economic Zone Authority (PEZA), and Department of Labor and Employment (DOLE) and will provide all possible support to help resolve the matter.

We take this opportunity to reiterate our commitment to the highest standards of diversity, inclusivity, transparency, and corporate governance. Thank you for bringing the matter to our attention. We look forward to your continued support.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Cognizant Technology Solutions Philippines, Inc.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN