Pinky Webb leaves ABS-CBN to join CNN Philippines?

Umalis na sa ABS-CBN ang news anchor na si Pinky Webb. Ayon sa usap-usapan, lilipat si Pinky sa bagong bukas na CNN Philippines, na pinamumunuan ng kanyang dating boss sa ANC na si Jing Magsaysay.


Umalis na raw sa bakuran ng ABS-CBN ang news anchor na si Pinky Webb.

Kumalat sa Internet ngayong araw, May 5, ang balitang nag-resign na raw ang female newscaster matapos ang ilang taong pamamalagi nito sa Kapamilya network.

Ayon sa isang gossip website, kakulangan ng trabaho ang dahilan kung bakit nag-resign si Pinky.

Wala rin diumanong bad blood sa pagitan ng newscaster at ng ABS-CBN.

Pero ayon naman sa isang internet site, kumpirmadong umalis na si Pinky sa Kapamilya Network para lumipat sa kabubukas lamang na CNN Philippines.

Ang CNN Philippines ay kasalukuyang pinamumunuan ng beteranong broadcaster na si Jing Magsaysay, ang dating channel head ng ANC (ABS-CBN News Channel) kung saan may programa rin si Pinky.

Ilan sa naging shows ni Pinky sa ABS-CBN ay ang XXX (Exklusibong, Explosibong Expose), Mornings @ ANC, Umagang Kay Ganda, at TV Patrol Weekend.

Naging co-anchor din siya ni Ted Failon sa dzMM noon sa Tambalang Failon at Webb.

May nasulat ding baka muling makasama ni Pinky ang co-host niya noon sa TV Patrol Weekend na si Alex Santos sa CNN Philippines.

Ayon sa ABS-CBN insider na nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong araw, May 6, “Ang dami nang nalagas sa ‘min.”

Nagpadala na ang PEP ng mensahe kay Pinky, sa pamamagitan ng direct messaging sa Instagram, para sa kanyang pahayag tungkol sa balitang ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN