Julia Barretto reveals mom Marjorie’s advice to her about boys: “Kailangan respetuhin ka ng lalaki.”

Ayon kay Julia Barretto, hindi kailangang maging magkarelasyon sa tunay na buhay ang isang loveteam para maging kakilig-kilig. “It’s more of you [to] have to create chemistry or you have to have good friendship. Para pagkatapos ng loveteam niyo, okay pa rin kayo, at pagbalik niyo as a loveteam, okay pa rin kayo."


Para kay Julia Barretto, hindi kailangang maging magkarelasyon sa tunay na buhay ang magka-loveteam para maging kapani-paniwala ang “kilig” sa isang acting project.

Pahayag niya, “Dapat may something kayo to make the loveteam work.

“It’s more of you [to] have to create chemistry or you have to have good friendship.

"Para pagkatapos ng loveteam niyo, okay pa rin kayo, at pagbalik niyo as a loveteam, okay pa rin kayo."

Sabi pa ng Star Magic talent, kailangan lang maging natural ang chemistry ng magkapareha.

“I always say, when you’re just good friends, it will really show your chemistry onscreen… natural na lang 'yon.

“Sometimes it’s not actually hard.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Julia sa bloggers conference ng pelikulang Para Sa Hopeless Romantic, na ginanap sa Wangfu Chinese Bistro, sa Tomas Morato, Quezon City, nitong Miyerkules ng hapon, May 6.

Kapareha ni Julia sa nasabing pelikula si Iñigo Pascual, kasama ang tambalan nina James Reid at Nadine Lustre.

MOM MARJORIE'S ADVICE. Speaking of hopeless romantic, tinanong ng PEP si Julia kung mayroon bang payo sa kanya ang inang si Marjorie Barretto pagdating sa boys.

Sagot ng 18-year-old actress, “My mama, she doesn’t give me much boy-advice kasi I’m very open to her.

“She’s just there.

"[May] boy-advice lang ‘yan pag kinakailangan ko lang. Pero other than that, no."

Paalala raw ng kanyang ina: “Pero kailangan, babae ka, dapat alam mo kung ano ang deserve mo kung kailangan.

“Alam mo na you deserve the best, you deserve to be treated well.

“You stick to that, you stick to the values, kasi hindi kita pinalaki nang maayos para lang bastus-bastusin.

“Kailangan respetuhin ka ng lalaki.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN