Former PBB Teen housemate Tricia Santos opens up about depression; wants to focus on career as an athlete

Tricia Santos on what triggered her depression: “It’s not about the bashers kasi it’s something internal, e. Some people like me just don’t like the idea of being under the limelight that much. And I was young then and I didn’t handle it that well.”


Hindi na raw nakakausap ng Pinoy Big Brother Teen Clash of 2010 housemate na si Tricia Santos ang kanyang dating co-housemates sa nasabing reality show ng ABS-CBN.

Ilan sa mga nakasama ni Tricia sa Bahay ni Kuya sina Devon Seron, Yen Santos, Patrick Sugui, Bret Jackson, at ang itinanghal na big winner na si James Reid.

Ikinatutuwa raw niya ang narating ng kanyang co-housemates.

Ani Tricia, “I’ve been hearing from them from social media, and then I’m really, really proud with what everyone has accomplished so far.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang dating reality show contestant bago ang Nestea Beach Fantasy Volleyball Match noong Linggo, May 3, sa Boracay Beach Chalets.

Isa si Tricia sa naimbitahan para sa exhibition match kasama sina Gretchen Ho, Rachel Anne Daquis, Michelle Gumabao, Cha Cruz, Dindin Santiago-Manabat, Mela Tunay, at Amy Ahomiro.

Sa ngayon, nais munang mag-focus ni Tricia bilang isang athlete.

Nasa ikalawang playing year na si Tricia para sa women’s volleyball team ng University of Sto. Tomas, kung saan siya nag-aaral ng Sports Management.

Sabi ng 19-year-old athlete, “I’m trying to focus more on my sport now that I’m out of showbiz.

“And, I want to improve more on volleyball.”

Dagdag pa niya, “It has been great so far, like… we all miss coach Odjie [Mamon] because, like, he had to leave us, kind of.

“And now, we’re transitioning to a new coach and everything has been great so far.”

SHOWBIZ COMEBACK? Bukas naman kaya si Tricia sa posibilidad na bumalik sa mundo ng showbiz?

Sagot niya, “I’m not saying na I have plans on coming back to showbiz, but if the opportunity knocks and if my schedule allows it, then why not?

“But for now, volleyball is really my top priority.”

Nitong nakaraang Marso, nag-pose si Tricia para sa men’s magazine na FHM Philippines para sa kanilang “New Crush” feature.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inamin ni Tricia na nanibago siya dahil ito ang unang beses na nag-pose siya para sa isang men’s magazine.

“It was kind of different because it was my first time to do something like that.

“But, at the same time, it’s okay naman kasi it wasn’t nude or anything like that.”

Nang tanungin kung ano ang nagpapayag sa kanya na ma-feature sa FHM, paliwanag ni Tricia, “Maybe just to show people that I’m more mature ‘cause they know me, like, being a teeny-bopper from something else.”

Bukod dito, nais din daw patunayan ni Tricia na nasa mabuting lagay na siya ngayon.

Noong 2012 kasi ay lumabas ang isyung anorexic diumano siya.

Ngunit nilinaw ni Triacia na depression at hindi anorexia ang kanyang pinagdaanan nung mga panahong iyon.

Saad niya, “Kasi, a couple of years ago, I suffered from depression and everyone knows na I got really thin and there were anorexia rumors about me.

“I think it’s about time to show people that I’ve recovered from it.

“And to show other girls who were suffering from depression that they can recover from it.”

Madalas makatanggap ng 'di magagandang komento ni Tricia mula sa netizens noong nasa PBB pa siya.

Ngunit ayon sa kanya, hindi mga bashers ang naging sanhi ng kanyang depression.

“It’s not about the bashers kasi it’s something internal, e.

“Kasi, I think, when you’re… some people like me just don’t like the idea of being under the limelight that much.

“And I was young then and I didn’t handle it that well.”

Sa huli, nagpasalamat si Tricia sa patuloy na suportang natatanggap niya sa kanyang fans.

Sabi niya, “First, I would like to thank them for their support.

“Kasi, even though I’m not that active in showbiz, they’ve been there for me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And I know that they are still there for me and just watch out, kasi there is something coming.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN