Ruffa Gutierrez not bothered by mom Annabelle Rama’s recent tweets

Ruffa Gutierrez on mom Annabelle Rama’s recent tweets: “Kung ako naman yun na pinaparinggan niya, parang the story is so old, ’di ba? I’m already of age, so it’s the same story I’ve been hearing since I was 15 years old. So, hindi na ako naba-bother.”


“Sino kaya yun, 'di ba? Hindi ko alam.”

Ito ang sagot ni Ruffa Gutierrez nang tanungin kung sino sa tingin niya ang pinariringgan ng kanyang ina na si Annabelle Rama sa Twitter kamakailan.

Hindi direktang binanggit ni Annabelle kung sino ang babaeng tinutukoy niya sa kanyang tweets noong April 17 na tinawag pa nitong “tanga” at “bobita” dahil sa pag-ibig.

Ngunit isa lang ang hinala ng mga nakabasa ng tweets ni Annabelle kung sino ang pinatutungkulan nito—ito ay walang iba kundi ang kanyang panganay na anak at unica hija na si Ruffa.

Read: Did Annabelle Rama just call daughter Ruffa Gutierrez “tanga” and “bobita”?

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Ruffa sa launch ng partnership ng Globe at Disney kagabi, May 6, sa Green Sun, Makati City, inusisa siya tungkol sa tweets ng kanyang mommy.

Pahayag ng actress-TV host, “Kung ako naman yun na pinaparinggan niya, parang the story is so old, 'di ba?

“I’m already of age, so it’s the same story I’ve been hearing since I was 15 years old.

“So, hindi na ako naba-bother.”

Hinahayaan na lang daw ito Ruffa dahil naiintindihan niya kung anuman ang pinaghuhugutan ng mga sinasabi ng kanyang ina.

“I think a mom will always be a mom.

"And I think, in spite of my age, hiwalay na ako, nag-asawa na ako, may dalawa na akong anak, mahigpit pa rin siya.

“Parang siguro nga, ganun talaga yung mga nanay na matanda na, e, protective pa rin sa mga anak nila, especially I’m the only girl.

“And then, pag talagang sumusobra siya, I roll my eyes na lang.”

Sa ngayon, hindi pa raw nakakausap ni Ruffa ang kanyang ina. Ngunit ano naman kaya ang balak niya sa parating na Mother’s Day?

“Baka sa Mother’s Day, padalhan ko siya ng flowers. O, 'di ba, sweet pa rin!” bulalas ni Ruffa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GOING STEADY. Sa kabila ng hayagang disgusto ng kanyang ina sa boyfriend niya ngayong si Jordan Mouyal, sinabi ni Ruffa na maayos pa rin ang lagay ng relasyon nila ng French-Arab businessman.

Sa katunayan, noong January 17 ay nag-celebrate ang dalawa ng kanilang first anniversary bilang couple.

Pero wala pa raw siyang planong magpakasal.

Sabi ni Ruffa, “Okay naman kami, very easy, fun relationship.

“Nobody should be bothered, nobody should be affected na magpapakasal ako tomorrow, because that’s not part of the plan.

“Ang priority ngayon is to build up my brand.”

Dagdag pa ng 40-year-old single mom, “I just launched the Love Collection with Rajo Laurel and Lorin and Venice.

“And then my perfume line, and then my book, so busy.”

Ipinagpapasalamat din ni Ruffa na mahaba ang pasensiya ng kanyang boyfriend at may respeto pa rin ito sa kanyang pamilya sa kabila ng mga nangyari.

Sabi ni Ruffa, “Alam mo, mabuti, nagpapasalamat ako na hindi siya affected.

“Kasi may respeto pa rin siya kahit binabastos na siya.

“Wala siyang paki, may respeto pa rin siya.

“That’s what I admire the most.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN