Ruffa Gutierrez admits boyfriend Jordan Mouyal hurt by Annabelle Rama’s Twitter rant

Hindi man daw siya nasaktan sa mga mga patutsada ng kanyang ina na si Annabelle Rama sa Twitter, inamin ni Ruffa Gutierrez na apektado rito ang kanyang boyfriend na si Jordan Mouyal. Sa kabila nito, iginagalang pa rin daw ni Jordan si Annabelle bilang ina ni Ruffa at bilang isang babae.


Hindi raw apektado si Ruffa Gutierrez sa mga bagong parinig at pangungutya sa kanyang boyfriend ng inang si Annabelle Rama sa Twitter.

Hindi man pinangalanan ni Annabelle kung sino ang tinutukoy niya sa kanyang Twitter rant noong April 17, halata namang patungkol ito sa panganay na anak niyang si Ruffa at sa boyfriend nitong si Jordan Mouyal, isang French-Arab businessman.

Read: Did Annabelle Rama just call daughter Ruffa Gutierrez “tanga” and “bobita”?

Nakausap muli ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ruffa ngayong Huwebes, May 7, sa launching ng bagong laser treatment na Picosure ng Belo Medical Group, sa theater room ng The Residences, Makati City.

Sabi ni Ruffa tungkol sa tweets ng ina: “Na-affect? Ay, hindi! Sanay na ako, e.

“Para na siyang ano, e... sanay na ako, kasi it’s always been the same story since I was 15 years old.

"So, para sa akin, deadma na lang."

Kabilang sa mga masasakit na salitang binitawan ng kanyang ina sa tweets nito ay "palamunin," "patay-gutom," at "sugar mommy."

Pahayag ni Ruffa tungkol dito, "You know what, my mom is the same. She hasn’t changed all these years.

"So, for me, alam naman siguro ng mga tao how she is, kung anong totoo."

Pero kung hindi man siya naaapektuhan, inamin ni Ruffa na masama ang loob ng nobyo tungkol sa mga parinig laban sa kanya ng ina ng actress-TV host.

“Well, I’m just so happy that he is very respectful at, you know, hindi siya sumasagot ng mga ganyang klaseng bagay.

“And siyempre, nasasaktan siya kasi tao lang siya at siyempre hindi naman totoo.

"Pero nirerespeto niya si Mommy bilang babae at isang nanay."


NOT A PROMO. Sa kaso ni Ruffa, hindi na raw niya pinatulan ang tweets ni Annabelle dahil nirerespeto niya ito bilang ina.

“Hindi na. Kung hindi siya nanay ko, e, di siyempre sinagot-sagot ko siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sinagot ko naman siya, in private na lang. Pero hindi na sa Twitter.”

Sa naunang interview ng PEP kay Ruffa kagabi, inamin nitong hindi pa sila on speaking terms ni Annabelle.

Read: Ruffa Gutierrez not bothered by mom Annabelle Rama's recent tweets

Tanong muli ng PEP: Hindi naman kaya promo lang ang away nilang ito ng ina para sa It Takes Gutz To Be A Gutierrez Season 3?

Tugon ni Ruffa, “Hindi nga. Sana nga promo, ‘di ba?

"Pero maaga pa naman yung promo since July pa kami.

“Sana ginawa niya 'yan mga next month pa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN