Manny Pacquiao undergoes surgery for shoulder injury; Mayweather reportedly agreed to a rematch

People’s Champ Manny Pacquiao underwent a 90-minute surgery to fix the rotator cuff injury he sustained on his right arm. Meanwhile, an ESPN report says that Floyd Mayweather Jr. agreed to do a rematch with Pacquiao after the latter’s recuperation.


Matagumpay ang operasyong isinagawa sa right shoulder injury ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao nitong May 6, Miyerkules (May 7 sa Pilipinas).

Lumala umano ang injury ni Pacquiao sa kanyang kanang rotator cuff dahil sa laban nila ng American boxer na si Floyd Mayweather Jr. noong May 2 (May 3 sa Pilipinas), sa Las Vegas, Nevada.

Inabot daw ng 90 minutes ang procedure na ginanap sa Kerlan Jobe Orthopaedic Center sa Los Angeles at isinagawa ng kilalang sports medicine surgeon na si Dr. Neal ElAttrache.

Sa ulat ng GMA News TV, naka-schedule ang operasyon ni Manny ng 10 A.M. (US time) at nakabalik daw siya sa bahay niya sa Los Angeles ng 6 P.M.

Aabutin daw mula siyam na buwan hanggang isang taon ang kailangang hintayin para tuluyang gumaling si Pacquiao, kaya hindi siya puwedeng lumaban sa boxing sa loob ng panahong iyon.

Ibinahagi rin sa ulat kung saan nag-ugat at paano lumala ang injury ni Manny.

Lumala raw ang injured arm ni Manny nang magsalubong ang suntok nila ng kanyang spar mate nang nag-eensayo ang Pinoy champ para sa laban nila ni Mayweather.

Tumama raw ang kamao ng spar mate ni Manny sa kanang bahagi ng balikat ni Manny, dahilan para ma-aggravate ang injury ng Pinoy boxer na nakuha nito mula sa isang jet ski accident noong 2009.


MAYWEATHER AGREES TO A REMATCH. Samantala, iniulat nitong May 5 (May 6 sa Pilipinas) na pumayag na si Mayweather para sa rematch nila ni Pacquiao.

Sa ulat ng ESPN, sinabing nag-text si Mayweather sa journalist na si Stephen A Smith at sinabing handa siyang harapin muli si Pacquiao sa isang laban pagkatapos magpagaling ng Filipino boxer.

"I will fight him in a year after his surgery," sabi ni Mayweather sa text, ayon sa ESPN report.

Taliwas ito sa naunang pahayag ni Mayweather nang maideklara siyang kampeon sa laban nila ni Pacquiao nitong Linggo sa Las Vegas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi ng American boxer na plano na niyang magretiro pagkatapos ng isa pang laban na gaganapin sa September.

"My last fight is in September, and then it's time for me to hang it up," saad ng 48-anyos boxer sa panayam sa kanya pagkatapos ng laban nila ni Pacquiao.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN