Judy Ann Santos wants to experience attending Cannes or Berlin film festivals

Judy Ann Santos’s wish for her 36th birthday: “Kung sakaling magka-baby, sana kambal para isahan na lang, ang hirap magpapayat!”


Sa kanyang ika-36 kaarawan, hiling ni Judy Ann Santos na magkaroon muli ng baby sa kanilang pamilya.

“Yunng pregnancy na maayos ulit, na parang halos hindi ako buntis, lumaki lang ako.

“A healthy pregnancy and a healthy baby.

“Siguro it's every mother's wish, yung good health for her children,” sabi ni Judy Ann nang makapanayam siya ng reporters matapos ang press conference para sa ginawa niyang Maalaala Mo Kaya episode kaninang tanghali, May 7.

Tampok si Judy Ann sa Mother's Day special episode ng Maalaala Mo Kaya na ipalalabas ngayong Sabado, May 9.

Magsisilbi rin itong birthday special para kay Judy Ann dahil kaarawan niya sa Lunes, May 11.

Noon pa man, inamin na ni Judy Ann na gusto pa nila ng kanyang mister na si Ryan Agoncillo na masundan ang kanilang dalawang anak na sina Yohan at Lucho.

Nakangiting sabi ng Kapamilya actress-TV host, “Hindi naman namin itinatago na gusto namin.

“Trinatrabaho naman, pero hindi pa naman talaga siguro nangyayari.

“May mga perfect timing naman si Lord para diyan.

“Baka gusto ni Lord na magteleserye muna ako or kung ano pa man, basta pray lang kami."

Pabirong dagdag niya, “Kung sakaling magka-baby, sana kambal para isahan na lang, ang hirap magpapayat!”

Kung sakaling maibigay ang kanyang hiling, ito na kaya ang huling pagbubuntis ni Judy Ann?

Sagot niya, “Hindi ko alam. Pero ayaw kong magsalita nang tapos.

“Yung paggawa, madali, e. Pero yung paglabas ang mahirap... yung pagbalik sa trabaho, paghahanap ng eskuwelahan.

“Ang layo na ng iniisip mo, hindi ka pa nga nabubuntis ulit, naiisip mo na, 'Madadagdagan na naman ako ng kuwarto sa bahay, madadagdagan na naman ako ng nurse.'

“Siguro sabi ni Lord, 'Huwag na muna. Huwag ka muna mag-isip.'”


WISH FOR HER CAREER. Samantala, pagdating naman sa kanyang career, wala na raw mahihiling pa si Judy Ann.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Ang wini-wish ko na lang ay ibigay sa akin ni Lord yung palagay niya hindi ko pa ginagawa.

“Kung ako lang, masyadong self-centered 'yon.

“Hindi ko siguro malalaman kung ano yung kapasidad ko pa bilang artista kasi nakasentro ako sa isang acting lang, drama lang o comedy lang o rom-com lang.”

Kung may pagkakataon, hihilingin daw ni Judy Ann na ang susunod niyang proyekto sa pelikula ay maiaangat ang Pilipinas.

“Hinahayaan ko na, one day, may mag-approach sa akin at may mag-offer sa akin ng isang pelikula na kakaiba, na masu-showcase ang talent ng Pilipino, ang ganda ng Pilipinas.

“Mas nasu-showcase lang yung polusyon, yung basura.

"Nandoon pa rin ako na, one way or another, you can give pride to your country."

Gayunman, hindi pa rin daw nawawala ang pangarap niyang ma-experience na dumalo sa mga prestihiyosong film festivals, katulad ng Cannes Film Festival sa France at Berlin International Film Festival sa Germany.

“It's always been a dream,” sabi ni Judy Ann.

“Hindi ko itatago na it's been a dream na sana makapag-Cannes ka, maka-Berlin festival ka.

“Gusto ko makita 'yon, gusto ko ma-experience yung ganung klase ng mundo.

“Pero wala pa rin naman kasing nag-o-offer ng pelikula na medyo talagang kakapitan mo.

“Hintay lang. Baka hindi pa ito ang tamang panahon.

"Baka pinapahinog pa rin ako ng panahon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN