Miss Tres members Mariko and Mia clarify allegations of former member Angel

Eksklusibong nakapanayam ng PEP ang Miss Tres members na sina Mariko at Mia (kaliwang larawan) kaugnay ng mga alegasyo ng kanilang dating kagrupo na si Angel (dulong kaliwa sa kanang larawan).


Nagbigay ng kanilang panig ang dalawa pang miyembro ng Miss Tres na sina Mariko "Joselito" Ledesma, at Mia "Romeo" Narciso hinggil sa nailathala rito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kaugnay ng pagkakatanggal sa grupo ng isa sa kanilang miyembro na si Angel "Conrado" Mistress.

Ang Miss Tres ay ang Pinoy transgender na nagpamangha sa Asia's Got Talent auditions.

Read: Asia's Got Talent sensation Miss Tres kicks out member

Eksklusibong nakausap ng PEP sina Mariko (Miss Dos), at Mia (Miss Tres) sa Zirkoh, Tomas Morato, Quezon City, noong May 5, kung saan sinagot nila ang mga alegasyon ni Angel (Miss Uno).

Bungad ni Mariko, “Actually, nagulat ako nang mabasa ko yung interview.

“And then, idinidiin niya na kami ni Mia ang nag-decide para tanggalin siya sa grupo.

“Pero hindi po kami ang nag-decide.

“Last year pa, wala na siya rito sa bar na pinapasukan namin [Zirkoh], at management ang nagtanggal sa kanya because of some problems.

“Alam niya kung ano yung dahilan, at hindi ko na kailangang idetalye, alam niya ‘yan sa sarili niya.”

Ipinaliwanag din ni Mariko ang tungkol sa sinabi ni Mia na mga dokumentong kailangan nilang ipasa sa Asia’s Got Talent.

“Yung sinasabi niyang nagpasa siya ng documents, yes, nagpasa siya, pero after three days na.

“The day na kailangan yung papers, hindi niya ipinasa.

“At meron kaming proof na after three days pa siya nag-submit dahil naka-save yung text messages ng AGT.

Diin pa ni Mariko, “Yung sinasabing kini-claim na pasok kami sa semifinals, we're not claiming it!”

Singit naman ni Mia, na katabi lang ni Mariko habang ginaganap ang panayam na ito, “Ang concern lang namin [that time] ay baka hindi iere ang episode namin because of the documents na he didn't submit on that day.

“We're not claiming na pasok kami, ang inaano lang namin, kasi parang kailangan nila ang license para mai-air yung episode namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Luckily, nai-air naman siya.”

TRES MINUS UNO. Kasunod nito ay nagsalita sila tungkol sa pagkakatanggal ni Angel sa grupo.

Ayon kay Mia, “Unang-una sa lahat, wala kaming karapatan na magtanggal sa kanya kasi we have our manager.

“So, yung manager lang namin ang may karapatan na tanggalin siya, si Lito Alejandria.

“So, hindi totoo na kami ang nag-decide na magtanggal.”

Sabi naman ni Mariko, “Hindi totoo, e.

“Actually, dun ako nag-freak out, e. Na-hurt ako! Bakit ganun?

“Actually, to be honest, grupo pa kami as Miss Tres, nagsu-solo na siya.

“Yun, ugali niyang magsolo.”

Singit ulit ni Mia, “Siyempre, mahihirapan naman yung manager namin kung paano kami ibu-book at bibigyan ng trabaho kung dalawa lang kami at wala siya.

“Hindi totoo na kami ang nagtanggal sa kanya, at saka ‘di kami magkakagalit.

“May text pa siya sa akin matapos lumabas yung interview niyo sa PEP, at kinukuha pa niya ako sa mga raket.

“Siyempre, magkakaroon ng conflict dun sa bagong kasama namin, in fairness kay Ate Reg [Regine].

“Siya, on time lagi, professional.

“Baka magkaroon ng kalituhan sa grupo namin, kaya stick ako sa new group namin kung saan kasama ko pa rin si Mariko, at si Ate Reg nga.”

Ang tinutukoy nilang Ate Reg ay ang impersonator ng Asia's Songbird na si Regine Velasquez.

LIES, LIES, AND MORE LIES. Sinabi ni Angel sa hiwalay na panayam ng PEP na ayaw niyang kausapin sina Mariko at Mia dahil ayaw raw niyang marinig ang kasinungalingan ng mga ito.

Ano ang reaksiyon nila rito?

Ayon kay Mariko, “Actually, kung kasinungalingan din lang ang pag-uusapan dito, hindi na lang siguro kami ang magsasalita.

“Yung mga tao na nasa paligid namin na nakakaalam ng totoong dahilan.

“Kasi, meron po kaming witness na kasama namin sa Malaysia, at witness na from ABS-CBN at Pilipinas Got Talent, na ipinadala dun para mag-facilitate.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam din po nila kung ano ang pinaggagawa ni Angel.

“Hindi ko na po sasabihin in details, pero alam po mismo ni Angel kung ano ang pinaggagawa niya, na pati kami ni Mia ay nahatak.

“Yun lang po ang masasabi ko.”

Hirit naman ni Mia, “Ang sa akin naman, kung maayos kang makipagtrabaho sa isang establishment, ‘di ka tatanggalin.

“Kung maayos ka, walang magiging problema.”

Maibabalik pa kaya ang nawala nilang pagkakaibigan?

Diretsahang sagot ni Mariko, “Ayaw kong magpa-plastik po, ha… sa totoo lang, hindi ko siya kinunsider as friend.

“Ever since, alam niya yun, magkatrabaho kami, professional kami.

“Ang talagang kaibigan ko, kababata ko, at best friend ko po ay si Mia.”

Sabi naman ni Mia, “Sa akin, okey lang, kasi wala namang masamang tinapay sa akin.

“Si Angel, may ganung flaws as a group.

“Pero sa personal na relationship, okey po kami.

“Hindi ko siya itinuring na magkagalit kami, friendship pa rin kami.”

AGT GRAND FINALS. Samantala, dahil grand finals ngayon ng Asia’s Got Talent, inalam ng PEP kung sa tingin nila ay isa sa apat na Pinoy acts ang lalabas bilang winner—ang shadow play group na El Gamma Penumbra, ang soprano singer na si Gerphil Geraldine Flores, ang acoustic singer na si Gwyneth Dorado, at ang dance act na Junior New System.

Ang pangamba ng karamihan, baka mahati ang mga boto ng apat na Pinoy acts at taga-ibang bansa ang magwagi.

Pero sabi ni Mariko, “I don't think so.

“Kasi, may ibang taga-ibang bansa na rooting for the Philippines, e.

“So, sa palagay ko, isa sa kanila ay tatanghaling grand [winner] ngayong gabi.”

Si Mia naman ay naniniwalang either sa El Gamma Penumbra o Junior New System ang magiging kauna-unahang grand champion ng Asia's Got Talent.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN