FIRST READ ON PEP. Dra. Vicki Belo admits tampo with Willie Revillame; mum about rumored baby with Hayden Kho

Inamin ni Dra. Vicki Belo na may tampo siya noon pa kay Willie Revillame, kaya nang tinawagan daw siya ng TV host para maging sponsor sa bagong show nito sa GMA Network ay tinanggihan niya ito.


Sa launching ng bagong laser treatment service ng Belo Medical Group, ang PicoSure, maririnig sa background ang jingle ng kumpanya na inawit ni Willie Revillame.

Ayon kay Dra. Vicki Belo, “Matagal na niyang ginawa yung kantang ‘yan.

"Ginawa niya for me siguro mga five years ago... seven years ago."

Naging asset ba si Willie sa kanila kahit sa kanta lang?

Sagot ng sikat na beauty doctor, “We still talk to each other and everything, pero hindi na kami ganun ka-close.

"We don’t see each other, 'no, like before na lagi kami nagkikita.

“I always wish him well.”

Masugid na tagasuporta si Dra. Belo at ang kanyang kumpanya sa mga palabas ni Willie mula pa ABS-CBN hanggang TV5.

Ngayong babalik na si Willie sa telebisyon matapos ang halos dalawang taong pamamahinga, sa pamamagitan ng Wowowin sa GMA Network, susuportahan pa rin ba nila ito?

Sagot ni Dra. Belo, “Yun nga, tinawagan nga kami kung gusto naming i-sponsor yung jacket daw ng kanyang ano [show].

“Pero I said no more na, kasi nagtampo rin ako kay Willie.

"Dati kasi, parang ini-endorse niya yung Belo glutathione, tapos next, ini-endorse na niya yung ibang brand.

“So, sabi ko, ‘Willie, medyo foul ‘yan.’

“So, umalis kami.

"Pero in fairness, nung nagtayo naman siya ng building [WilTower], he asked us to be his tenant.

"We went in naman, so sinuportahan naman namin.

“Kasi ang bait naman ni Willie to me.

"Kaya lang, nagtampo lang talaga ako.

"Ako naman kasi, kapag nagtampo ako, love pa rin kita, pero parang from a far na lang.

“Ayoko na muna.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dra. Belo sa The Residences, Makati City, ngayong Huwebes ng tanghali, May 7.


ARTIFICIAL INSEMINATION? Last week, lumabas sa How True section ng PEP ang feed na malapit na raw magka-baby sina Dra. Belo at ang boyfriend nitong si Hayden Kho sa pamamagitan ng artificial insemination, using a surrogate mother.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paiwas ngunit nakangiting sagot ni Dra. Belo, “Ay naku, tanungin mo si Hayden. Si Hayden sasagot niyan.”

Pero nang tinanong naman si Hayden, na nasa kabilang bahagi lang ng mesa kung saan nagpa-interview si Dra. Belo, ang sabi nito: “‘Yang mga ganyang bagay ay hindi pinag-uusapan dito.”

Kaya sabi sa amin ni Dra. Belo, “No comment na. Hindi daw dapat pag-usapan. Private life.”

Tungkol naman sa usapin ng kanilang wedding, sabi ng celebrity doctor, “Under observation.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN