Marian Rivera not disqualified from FHM Sexiest 2015 poll

The editor of FHM online clarifies that Kapuso Primetime Queen Marian Rivera is not disqualified from the poll because of being pregnant.


Kasama pa rin ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera bilang contender sa isinasagawang FHM 100 Sexiest Women 2015 poll.

Taliwas ito sa kumakalat na impormasyong disqualified na raw si Marian dahil kasalukuyan itong buntis sa una nilang anak ng mister niyang si Dingdong Dantes.

Sa social media ng The DongYanatics, grupo ng supporters ng mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes, naglabas sila ng announcement na disqualified daw si Marian sa poll ng FHM 100 Sexiest.

Hinihimok din sa nasabing post ang supporters na huwag nang iboto ang Kapuso Primetime Queen dahil hindi na raw bibilangin ang mga boto para sa kanya.

Ngunit ayon kay Gelo Gonzales, associate section editor ng FHM.com.ph, ang online counterpart ng FHM Magazine, “As far as I’m concerned with the online polling, she’s still in the list.”

Pahayag pa niya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Ang alam ko lang, kasama pa din siya sa list.

"Kasi kami ang nagha-handle ng [polling] microsite ng FHM website. Dun puwede bumoto ang mga tao.

“Kasama pa din siya sa list.

"And, in fact, siya pa nga yung una naming ginamit na promo image sa Facebook [account] namin, pinost namin noong Tuesday."

Si Marian ang kauna-unahang babae na nasungkit ang titulong FHM Sexiest Woman in the Philippines sa tatlong pagkakataon.

Hinirang na FHM Sexiest si Marian noong 2008, 2013, at 2014.

Para naman sa mga gustong bumoto, mag-log on lamang sa FHM.com.ph microsite.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN