Angel Locsin hits back at Instagram follower who accused Filipinos of being ‘forever racist’

Hindi pa rin tinatantanan ng bashers si Angel Locsin dahil sa ‘racist’ tweet diumano nito laban sa American boxer na si Floyd Mayweather Jr., na tumalo sa Pinoy boxing champ na si Manny Pacquiao sa laban nila noong May 2. Sa isa pang post ng Kapamilya actress sa kanyang Instagram, sinagot niya ang isang follower dahil sa akusasyon nitong hindi lang sa kanya na racist kundi maging sa buong bansa.


Hindi pa rin humuhupa ang pamba-bash sa aktres na si Angel Locsin kaugnay ng diumano'y ‘racist’ tweets niya laban sa American boxer na si Floyd Mayweather Jr.

Nagsimula ito nang mag-tweet si Angel pagkatapos talunin ni Mayweather ang ating Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao sa tinaguriang 'fight of the century' noong May 3 (Philippine time).

Sabi ni Angel sa kanyang tweet: “Lugi naman kasi tayo eh.. hindi natin makita kung may black eye na si mayweather... #MannyvsMayweather

Pagkatapos niyang i-tweet ito, kinuyog na ng bashers ang Kapamilya star dahil diumano sa panlalait niya sa kulay ni Floyd.

Read: Angel Locsin criticized for her ‘racist’ tweet against Floyd Mayweather Jr.


“THAT IS STUPIDITY…” Makalipas ang ilang araw ay may mangilan-ngilan pa ring natatanggap na pambabatikos si Angel.

Kamakailan ay nag-post si Angel sa kanyang Instagram account ng isang litratong kuha mula sa ginagawa niyang TV commercial.

Caption niya rito: “Fun TVC shoot today❤️ thank you Ms. @lalaflores16 @jayweehair @melvillesy @ririverano 💋 #BTS

Fun TVC shoot today❤️ thank you Ms. @lalaflores16 @jayweehair @melvillesy @ririverano 💋 #BTS

A photo posted by Angel Locsin (@therealangellocsin) onMay 6, 2015 at 7:50am PDT

Bagamat walang kinalaman sa post ni Angel, isang follower na may handle name na @megsleon2013 ang direktang nagsabing "racist" ang aktres sa comments section.

Hindi naman ito pinalampas ni Angel at sinagot ang nasabing follower:

Buwelta ni @megsleon2013:

Sinagot naman ito ng isang mahabang komento ni Angel:

Marami pang kasunod na komento ang naturang follower ni Angel, pero hindi na ito sinagot ng aktres.

Hindi naman pinalampas ng mga tagahanga ng actress ang basher at inaway nila ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN