Maxene Magalona speaks up about rumors linking her to Edgar Allan Guzman

Maxene Magalona on jealousy issue with Edgar Allan Guzman’s real-life girlfriend Shaira Mae: “EA [palayaw ni Edgar] and I talked about it, and Shaira daw is not nagseselos."


Pinabulaanan ni Maxene Magalona ang espekulasyong pinagseselosan siya ng girlfriend ni Edgar Allan Guzman na si Shaira Mae.

Madalas kasing maging tampok ng tuksuhan ang tambalan nina Maxene at Edgar sa programa ng ABS-CBN na Your Face Sounds Familiar.

Ngunit iginiit ng aktres na walang dahilan upang gawan ng isyu ang pagiging malapit nila ni Edgar dahil sa trabaho.

Sabi ni Maxene, “I respect their relationship.

“Kumbaga, hindi namin plinan ‘to.

"Hindi namin plinan na maging partners kami, na magkaroon ng E-Max [Edgar-Maxene] na loveteam.

“It just happened and people enjoyed it.

“So, kung yun ang gusto nila, then let’s give them what they want.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang entertainment reporters si Maxene sa press launch ng bago nitong endorsement, ang Air Optix Colors, na ginanap sa Green Sun Hotel, Makati City, noong Miyerkules, May 6.

Kuwento pa ni Maxene, mismong si Edgar ang nagsabi sa kanyang hindi isyu kay Shaira Mae ang kanilang pagiging magka-loveteam.

“I respect Shaira and their relationship.

“EA [palayaw ni Edgar] and I talked about it, and Shaira daw is not nagseselos.

“She's ok with it.

“And Shaira also has a loveteam [with Mark Neumann], so traba-trabaho lang,” saad ng 28-year-old Kapamilya actress.

Natawa naman si Maxene nang hingan ng reaksiyon tungkol pagiging bukas umano ni Edgar na may paghanga ito sa kanya.

Aniya, “Hindi ko na control yun!”

Bilang katrabaho, aminado si Maxene na kahanga-hanga ang talentong ipinapakita ni Edgar sa harap ng kamera.

“I have so much fun working with him with all my co-performers in Your Face Sounds Familiar.

“Si EA talaga, I respect him as an artist because sobrang passionate niya, sobrang galing niya umarte.

“And I didn’t know ganito siya kagaling mag-sing and dance, and lahat ng ipinapagawa sa show namin, nagagawa niya.”

Kung saka-sakali, bukas umano si Maxene na makatambal si Edgar sa isang acting project.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Work is work. Those are all blessings, ‘di ba? We all aim for growth.

“So, if in the future mabigyan kami ng work together, I’m very excited for that.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN