Juancho Triviño admits he can’t handle relationship and showbiz career at the same time

Although he’s had five girlfriends since he was 14, Juancho Triviño is serious about his life and career. He says, "Gusto ko na ring bigyan ng bahay yung family ko."


Twenty-one years old lang siya ngayon, pero nakalimang girlfriends na raw ang Kapuso talent na si Juancho Triviño.

“Second year high school ako nun, e, fourteen, fifteen,” pagtukoy niya sa unang beses na nagkaroon siya ng girlfriend.

“Actually, sa totoo lang, nag-start ako sa showbiz, may girlfriend ako.

“Yung Teen Gen yun,” pagtukoy naman niya sa unang show niya sa GMA.

Sabi pa ni Juancho, “Hindi ko talaga kinaya, e, yung stress na nabibigay niya.”

Nahirapan daw siyang pagsabayin ang pakikipagrelasyon at pagsisimula ng isang showbiz career.

“Parehas kami na hindi namin kinaya.

"Kasi nasa med school siya, nasa showbiz ako, hindi nagkakasundo yung schedule namin.

“Wala, clash talaga! Hindi talaga kami magkakasundo nun.”

Inabot daw ng dalawang taon ang pakikipagrelasyon na iyon ni Juancho sa ex-GF na non-showbiz.

Iyon daw ang longest at pinakaseryoso niyang relasyon so far.


SEX TALK. Samantala, may pagka-conservative daw si Juancho.

Saad niya, “Naniniwala rin naman ako sa paniniwala sa Diyos, na after marriage [ang sex].

“Pero siyempre, may mga times na hindi talaga natin maiiwasan yung tukso.”

Pero aminado naman siyang hindi siya ganoon “kainosente” lalo pa nga't lalaki siya at nasa legal na edad.

At hindi niya ina-advise sa mga kabataang magpadala sa tukso.

“Of course not, of course not.

"Lalo na sa panahon ngayon, dapat responsible tayo palagi.

“At tsaka dapat merong sex education, lalo na yung high school.

“Kailangan din talaga yun para, siyempre, alam nila yung mga dapat gawin at kung ano yung morally right.”

Sa career niya, bilang isang Kapuso hunk, willing naman magpaseksi si Juancho.

“It depends on what they [GMA management] want from me.

“For the sake of art siyempre gagawin ko naman kahit ano, kahit anong gusto nila, gagawin ko naman, e.

“Alam naman ng GMA kung ano ang makakabuti sa akin... hindi nila ako ilalagay sa sitwasyon na mapapahamak ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung may isang matinong indie movie na may nude scene?

“Okay lang yun, siyempre kung for the sake of art, yes.”

HUNK. Ano ang nararamdaman niya kapag tinatawag siyang Kapuso hunk?

“Kinikilig ako!” at tumawa si Juancho.

“Kasi sino yung mga kasama ko na hunk?

“’Di ba siyempre sina Dingdong [Dantes], Alden [Richards], Enzo [Pineda], marami pa.”

Flattered si Juancho na mapabilang sa naturang grupo ng Kapuso male stars kaya mas lalo pa raw niyang aalagaan ang kanyang sarili

Bukod dito ay marami ang nagsasabing may potensiyal si Juancho na umangat pa lalo ang career bilang aktor.

“Kaya gagalingan ko pa lalo this year.”


FOR FAMILY. May ideal marrying age ba si Juancho?

“Nasa thirties, yes. Not younger than thirty.”

Gusto raw muna ni Juancho na magtrabaho nang husto.

“Isa na ring rason na gusto ko na ring bigyan ng bahay yung family ko.

“May bahay naman kami, pero gusto ko, isa sa mga goal ko yun, yung mas malaking bahay pa.

“Lumalaki na kaming magkakapatid, siyempre mas maganda mas malaking space.”

Regular student din si Juancho sa De La Salle University sa kursong Business Management.

Ultimate crush naman niya sa showbiz ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

At kahit daw nag-asawa na si Marian ay hindi nabawasan ang paghanga niya rito.

Regular na napapanood si Juancho bilang si Dwight sa InstaDAD ng GMA tuwing Linggo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN