Nadine Lustre willing to be in the same project with KathNiel: "But the problem is the fans."

Nadine Lustre on loveteam partner James Reid: “I like him being funny. Kapag nagpapatawa siya and being funny. Usually kasi, hindi siya… parang bihira mong makikitang ganun siya. His seriousness, sometimes that I don’t know what’s going on inside his head.”


Pangatlong pelikula na ng tambalang Nadine Lustre at James Reid ang Para sa Hopeless Romantic.

Kahit parehong naging matagumpay ang dalawa nilang naunang pelikula, ang Diary ng Panget at Talk Back and You're Dead, inamin ni Nadine na hindi nawawala ang nerbiyos sa kanya.

Pahayag ng Viva Entertainment artist, “Ito po kasing Para sa Hopeless Romantic, hindi po kasi siya rom-com, may drama po siya.

“Kami po kasi ni James, parang mas comfortable po kami sa rom-com, yun lang po.”

Unang beses naman nilang makasama sa pelikula ang tambalan nina Julia Barretto at Iñigo Pascual.

Hindi kaya nanggagaling doon ang nerbiyos na nararamdaman niya dahil ngayon lang sila magkakasamang apat?

Ayon kay Nadine, “Hindi naman po kasi parang isang buong team kaming lahat.

“Kaya walang competition. Isang buong team kami.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nadine sa presscon nila ni James sa Music Hall, Metrowalk, noong Miyerkules, May 6.


COMPETING FANS. Yung fanbase ng loveteam nila na JaDine, lumalaban na talaga sa fans ng ibang sikat na loveteams.

Sabi ni Nadine tungkol dito, “Yung mga fans, well, hindi mo rin po talaga maiiwasan, but we tell them, ‘Huwag niyong gawin ‘yan, masama ‘yan.’

“Pero wala po talaga, as in wala pong competition.”

Mas edukado ba ang mga fans nila?

“No naman, I admit may mga nanggagaling din sa amin na nakikipag-away rin. Pare-parehas lang po.

“Hindi lang po talaga nila naiiwasan, lalo na kapag very supportive sila sa mga idols nila, may ganun po talaga.

“Sila ang nag-aaway at may mga post pa na tipong ayaw ng mga ito na makumpara man lang ang KathNiel sa kanila."

Ang KathNiel ay ang sikat na tambalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Naapektuhan din ba siya sa ganun?

“No po,” sagot niya.

O nakikita niyang nakakatulong sa kanila yung away ng mga fans?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It does, pero sa amin, siyempre... hindi naman pressure.

“Pero nakakahiya rin, in a way, na yung mga fans namin inaaway sila, yung ganun lang.”


JADINE VS KATHNIEL. Okey raw kina Nadine at James na makasama sa isang proyekto ang KathNiel.

Pero paano kung may makaisip ng ideya na ipareha siya kay Daniel at si Kathryn naman kay James?

Pag-amin ni Nadine, “We will be willing, but the problem is the fans.

“Actually, management naman ang makakasagot niyan.”

Pareho na silang Kapamilya ni Kathryn, nagkita na sila?

“Parang nagkasalubong po, pero hindi pa po talaga kami ipinapakilala, wala pa po.”

Kung pagsasamahin ang JaDine at KathNiel, okey sila?

“Opo naman, kasi wala naman po talagang competition.

“Sa amin, we’re just really enjoying what we are doing at happy lang kami that we’re blessed.”


FREE TO CHOOSE. Marami ang babaeng nagkakagusto at nagka-crush kay James. Nali-link din ito sa ibang babae.

May selos siya ‘pag ganun?

“Wala, wala po,” nakangiting sabi ni Nadine.

“Kasi, ako naman po, alam ko rin naman po yun, and I understand naman po the situation.

“Hindi naman po ako yung aawayin siya na, 'Bakit mo ginawa yun, bakit ganito?'

“Mas nagwu-worry po ako for him.”

Siya ba, tumatanggap naman ng manliligaw?

“No,” mabilis niyang sagot.

“E, kasi, kung ako, I barely have time for myself, sa family ko, friends, wala na akong social life.

“Maghahatak pa ba ako ng pag-uubusan ko ng oras ko?

"Wala na nga akong oras!" natawa niyang sabi.


NO, NO, NO. Sa dami na rin ng pinagsamahan nila ni James—mapa-telebisyon, pelikula at commercial—hindi ba nila naisip maging off-screen partner rin?

Sagot ni Nadine, “No po talaga, e.

“Like what I’ve said, yung focus po kasi talaga.

“Yes, nade-develop naman po talaga, pero kami naman po talaga, focus lang po talaga sa career, wala na pong iba.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung may mga katangian si James na nagugustuhan niya, ano ang mga ito?

“I like him being funny. Kapag nagpapatawa siya and being funny.

“Usually kasi, hindi siya… parang bihira mong makikitang ganun siya.


“His seriousness, sometimes that I don’t know what’s going on inside his head.”


NATURAL BEAUTY. Marami naman ang nakapapansin na tila gumaganda siya. Nangiti si Nadine at nag-thank you.

Ano ba ang sikreto niya?

“Wala po, trabaho po. Kasi, we’ve been working po talaga.

“Sunud-sunod din ang mga schedules namin talaga.

"Pumayat po...” sabay tanong nito kay James, “Pumayat ba ako?”

Sinagot naman siya ni James na hindi raw niya napapansin dahil halos araw-araw silang magkasama.

Sambit ni Nadine, “Siguro pumayat lang din po kasi diet din po.”

May isyu kasing may pina-enhance daw siya sa kanyang katawan.

Pero natatawang sabi ng dalaga, “Wala!

"Ako nga hindi ko maalalang nagpagawa ako, what more sila?

“Ako, always, all the time, my nose daw. Pero wala, wala talaga.

“Takot po akong talaga... ayoko po talaga.

"Even injection nga lang po, takot po ako.

“At saka sana, nag-break ako ng matagal kung may ipinagawa ako, ‘di ba?”

Madalas na sinasabing may hawig siya kay Kathryn Bernardo.

Kaya natawa ito nang may magbato ng biro na ayaw na lang daw siguro niyang masabing kamukha ni Kathryn kung sakaling magpapa-enhance siya.

“Hindi po, at saka thankful po ako kung ano ang ibinigay sa akin ni Lord. Siya rin po,” nakangiting sabi ni Nadine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN