James Reid on JaDine and KathNiel comparison: "Mas edgy kami. Mas mature."

James Reid on being compared to Daniel Padilla: “From the start, I’ve always been flattered being compared to successful stars, that’s flattering... Iba talaga kami. Look-wise, we’re different. We have different personality, we have different style.”


Simula pa lamang noong unang magtambal sina James Reid at Nadine Lustre (JaDine) sa unang pelikula nila sa Viva Films, ang Diary Ng Panget (2014), madalas na silang maikumpara sa loveteam nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla (KathNiel).

Ngayong ikatlong pelikula na nina James at Nadine ang Para Sa Hopeless Romantic ng Viva Films at Star Cinema, hindi pa rin nawawala ang mga tanong at pagkukumpara sa loveteam nila sa loveteam ng KathNiel.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si James kung ano ang nakikita niyang kaibahan ng JaDine loveteam sa KathNiel.

Sagot niya, “Sabi nila, mas edgy. Mas edgy kami. Mas mature.”

Sinasabing siya na raw ang posibleng pumalit kay Daniel sa ABS-CBN. Ano ang reaksiyon niya rito?

“That’s the first time I’ve heard that,” nakangiti niyang sagot.

Pero diin ni James, “Iba talaga kami. Look-wise, we’re different.

"We have different personality, we have different style.”

Flattered siya kapag sinasabing siya ang papalit kay Daniel?

“From the start, I’ve always been flattered being compared to successful stars, that’s flattering.”

Ka-level na ba nila ang KathNiel?

“No, not yet, there’s a long way to go,” mabilis niyang sagot.

“I’m not looking at them as point of comparison.

"I wanna go as far as we can go."


HOPEFUL FANS. Ayon pa kay James, wala talaga silang relasyon ni Nadine off-cam.

Pero hindi maitatangging halos lahat ng fans nila ay umaasa at nananalangin na sana mauwi rin sa totohanan ang kanilang on-screen romance.

Yung totoo, hindi ba sila napi-pressure?

Sagot ni James, “Well, the truth is, we don’t think about that.

"We think about our career first. We don’t want to lose this now."

Ano ang mga nakikita at nagugustuhan niya kay Nadine?

“I like her style. Our same taste in music.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"She’s cool and understanding, good listener... marami."

PERMISSION. Na-link siya kamakailan lang sa kapatid ni Kim Chiu, at tila may nagpapatunay na nagkaroon sila ng relasyon.

Itinanggi naman ito ni James.

Aniya, “No, no, friends lang talaga kami.

"Actually, we only met a couple of times."

Paano kung kay Nadine may manligaw na iba, ano kaya ang mararamdaman niya?

“I don’t know,” nakangiting sambit ni James.

Pero dugtong din niya, “He has to be okay. He needs to get my permission first.”

Bakit kailangan pang hingin ang permiso niya?

“Kasi, ka-loveteam ko siya.”

Paano kung sagutin siya ng manliligaw ni Nadine na loveteam lang naman sila?

Sabi ni James, “E, kasi, paano kung mag-aaway sila, dumating siya sa set na…

“Siyempre, I don’t want her to get hurt. I want her to be okay.”

Hindi ba siya nade-develop kay Nadine lalo pa nga’t palagi silang magkasama?

“I’m much closer now than before,” sabi ni James.

Sa isang banda, marami ang nakakapansing ikatlong pelikula na ni James ang Para Sa Hopeless Romantic, pero parang hindi pa rin siya nakakapagsalita ng diretsong Tagalog.

“Actually, sa movie na ito, puro Tagalog, walang English. Zero.

"Except 'I love you' maybe. Ito ang pinakamahirap.

“Pero ngayon, kasama ang brothers ko sa house, so a lot of English are going around my house!” natawa niyang sabi.

Nagpi-Filipino lesson naman daw siya para tumuwid pa ang dila niya sa pagsasalita ng Tagalog.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN