Liza Soberano reveals courting style of suitor Enrique Gil

Lisa Soberano is slated to finish the movie The Bet and plans to take a break after that. “Marami akong na-miss, like yung mga concerts na gusto kong puntahan, also yung mga birthdays ng mga kaibigan ko... Pero okay lang yun, ang importante may trabaho."


Kinumpirma ng Kapamilya teen star na si Liza Soberano na nanliligaw nga sa kanya ang kanyang kapareha sa Forvermore na si Enrique Gil.

“Opo, parang ganun...

"Pero hindi naman siya yung nanliligaw na nagbibigay ng flowers, ‘di ganun, e.

“Alam mo yung the moves lang, through words siguro 'pag nakakausap ka.

“'Pag may mga occasions, nagbibigay siya ng mga gifts. Pero on random days, hindi naman."

Ano ba ang gusto niyang style ng panliligaw ng isang lalaki?

Sabi ni Liza, “Gusto ko ng romantic, pero hindi naman sobra, kasi parang nakakasakal na.

“Hindi pa naman talaga ako ready [magka-boyfriend]...

"Ayokong magsabi ng age , like 18, tapos hindi ko naman matutupad.

“Pag ready na siguro ako, pag alam kong kaya ko na.

"Kapag alam kong medyo mature na ako.”


SAME INTERESTS. Ayon kay Enrique, maraming traits si Liza na nakikita niyang magkapareho sila.

Sa deskripsyon nga ng young actor ay male version daw niya si Liza.

Sabi naman ni Liza tungkol dito, “Marami kaming characteristics na pareho, marami kaming hilig, like adventures.

“Gaya ng zip lining, pareho kami ng taste ng music, video games.”

May ilang nagsasabing baka ang panliligaw ni Enrique kay Liza ay dahil magkasama lang sila sa Forevermore, at mahihinto rin ito sa sandaling mawala na sa ere ang kanilang teleserye.

Positibo naman si Liza na hindi ito gagawin ng kapareha, "Hindi naman siguro."

May pag-asa ba sa kanya ang ka-loveteam?

“Opo,” mabilis niyang sagot.


FOREVERMORE ENDING. Samantala, mismong si Liza ang nagkumpirma sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa nakaraang Star Magic Games 2015, noong Linggo, May 3, na hindi tuloy ang thanksgiving show ng buong cast ng Forevermore.

Gaganapin sana ito sa darating na May 10 sa Sitio Pungayan, sa Benguet, na mas kilala ngayon bilang La Preza.

Saad ni Liza, “Ang alam ko because of venue, it was supposed to be in the peak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi talaga siya magiging safe if a lot of people would be there, what if someone would fall?”

Tatlong linggo na lang ang itatagal ng Forevermore sa kabila ng consistent high ratings nito.

Mixed emotions naman ang nararamdaman ni Liza sa pagtatapos ng pinagbibidahang teleserye.

“Excited for the ending at the same time, sad.

“Siyempre, hindi ko na makakasama ang lahat ng mga tao that I made friends with in the show, sila Direk Cathy [Garcia] and the whole team.

“Parang naging family ko na sila.

“Siyempre may bagong nadagdag na character, si Ms. Erich [Gonzales].

“Basta maraming mangyayari in the next three weeks between Alex and Xander, Agnes and Jay, and then sa pagkikita uli ni Agnes and Xander, yun ang dapat abangan.”

Pagkatapos ng Forevermore ay isang pelikula naman ang tatapusing gawin ni Liza, ang The Bet.

“May movie pa, hindi pa kami tapos sa shooting ng movie. Siguro yun na muna.

“And then siyempre, ‘pag pinalabas na yung movie, promo naman.

“Siguro after nun, saka pa lang ako makakapagpahinga.

“Marami akong na-miss, like yung mga concerts na gusto kong puntahan, also yung mga birthdays ng mga kaibigan ko.

“Pero okay lang yun. Ang importante. may trabaho, may ginagawa ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN